May 25, 2025
Raymart on Claudine: No to second chance on relationship, yes to second chance on friendship; Raymart talks about his new teleserye “Second Chances” on Kapuso Network
Latest Articles

Raymart on Claudine: No to second chance on relationship, yes to second chance on friendship; Raymart talks about his new teleserye “Second Chances” on Kapuso Network

Jan 13, 2015

Antazo PSR pic
by Roldan Castro

Raymart and Claudine

Raymart on Claudine: No to second chance on relationship, yes to second chance on friendship; Raymart talks about his new teleserye “Second Chances” on Kapuso Network
by Roldan Castro
“Wala na,” ang mabilis na pahayag ni Raymart Santiago nang tanungin kung wala na bang second chance sa kanila ng estranged wife niyang si Claudine Barretto.

“Kung mayroon man ng second chance siguro ay pagkakaibigan na lang,” dagdag niya.

Pero mahal pa ba niya si Claudine?

“Wala na , eh,” diretso niyang tugon.

Bakit isinasara niya?

“Masyadong marami nang nangyari. Sinabi ko nga kung tinanong ako nito three years ago, iba ang isasagot ko,” bulalas pa niya.

May regret ba siya na pinakasalan niya si Claudine?

“Wala,” sambit niya.

Raymart and Jennylyn copy“Wala naman. Nagkaroon kami ng dalawang anak,” dagdag pa niya sabay tawa.

Hindi kaya bumalik ang pagkaka-link niya kay Jennylyn Mercado? Dati ay nagkaroon ng tsismis sa kanila nu’ng magkasama sila sa seryeng ‘Futbolilits’?

“Sabi ni Jen, ‘hindi pa ako ready’,” sagot niya.

Samantala, sinuportahan pala ni Raymart si Jennylyn dahil nanood siya ng “English Only Please”. Kasama ba niya si Jen na nanood?

“Hindi , ako lang mag-isa. ha!ha!ha! Hindi kapatid ko kasama ko,” pakli niya.

Tanggap ni Raymart na nagda-drama na siya ngayon at hindi na action star.

Aminado siyang kinabahan siya kay Direk Laurice Guillen bilang director niya sa “Second Chances” pero hindi pa naman daw siya napapagalitan. Matanong din kasi siya kung ano ang dapat gawin bago gawin ang eksena. Talagang nag-uusap sila kung anong atake ang dapat niyang gawin.

Nagpakita rin siya ng katawan sa “Second Chances’. Shirtless na hindi niya ginagawa dati. Ang ganda raw ng katawan niya. May mga nagsasabi rin na nagmukhang binata ang aura niya at hindi na mukhang tatay.

“Napaganda pa ‘yung pagkakahiwalay ko kay Claudine,” tumatawa niyang reaksyon.

Wala bang chance na nagkita sila ng mga anak niya nu’ng Christmas?

“Hindi may schedule ako. Basta, may schedule ako na hindi natuloy,” sambit niya.

Hindi naman pinigil?

“Hindi ko na alam ‘yung dahilan pero naireport ko na,” sey pa niya.

Nagsisimula na ang bagong serye ni Raymart na “Second Chances’ sa GMA 7 na kung saan ay kasama niya sina Jennylyn Mercado, Camille Prats , Rafael Rosell, Roi Vinzon, Miriam Quiambao, Gerard Pizarras, Frencheska Farr, Diva Montelaba, Miggs Cuaderno, Joshen Bernardo at Chynna Ortaleza with special participation of Luis Alandy, Jackie Rice, Glenda Garcia, Ayen Laurel at Mr. Ricky Davao.

2015_jan11_show6Follow me…

social networkingRoldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro

Leave a comment

Leave a Reply