May 23, 2025
LizQuen transferring to GMA-7? Manager Ogie Diaz reveals
Latest Articles

LizQuen transferring to GMA-7? Manager Ogie Diaz reveals

Aug 20, 2020

Tatlong companies ang interesadong masungkit ang isa sa pinakasikat na love teams sa Pilipinas na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Ayon sa manager ni Liza na si Ogie Diaz, gustong bingwitin ng GMA-7, TV5 at Viva ang LizQuen, tawag sa loveteam ng magkaskntahan.

Pero sabi ni Ogie, priority pa rin nila ang ABS-CBN 2.

Pero kung walang ibibigay na project at pumayag na mag-transfer ng network ang LizQuen, ay ikokonsidera na nilang lumipat.

“As per Tita Cory Vidanes nu’ng nakausap ko, gumagawa naman daw sila ng paraan kung paano maitatawid ‘yung mga love teams na pinoprotektahan nila at ‘yung sine-secure talaga nila,” sabi ni Ogie. 

Si Ogie na rin ang tumatayong manager ngayon ni Enrique.

“Nasa Star Magic pa rin si Quen. Co-manage lang,” paikli n’ya.

Leave a comment