May 24, 2025
What is Carla Abellana’s dream wedding?
Latest Articles

What is Carla Abellana’s dream wedding?

Sep 18, 2020

Bago nagkaroon ng pandemya dulot ng COVID-19, nakatsikahan namin si Carla Abellana at ang isa sa mga itinanong namin sa kanya ay kung handa na ba siyang maging misis ni Tom Rodriguez.

“Actually, matagal na po, medyo matagal na, kasi I would say…number one, I am of age, hindi na po ako bata, I’m already 33, so nasa edad na po yan.”

Carla turned 34 last June.

“Number two, matagal na po kami, matagal na po ang pinagsamahan namin ni Tom, we’ve been together for over five years, so marami na pong naging tests and trials sa relationship and na-overcome naman po namin.

“And then number three, kasi napag-iiwanan na po ako ng mga ka-age ko, nahuhuli na po ako sa biyahe,” at tumawa ang Kapuso actress.

“Hindi naman po dahil sa pressure, but because you know, I’m of age.”

Ano ang dream wedding ni Carla?

“Wala naman po akong dream… church definitely, kasi pareho po kaming Catholic ni Tom, although hindi pa po namin alam kung saan, but definitely po sa simbahan.”

Ang ama ni Carla na si Rey ‘PJ’ Abellana ay boto na maging manugang si Tom.

“Botong-boto po yun kay Tom! Dyusko pag kumanta si Tom! Nadaan niya sa karaoke.”

Bakit?

“Kasi mahilig po ang mga Abellana mag-karaoke, magagaling pong kumanta, e nagulat sila kay Tom na kumakanta po. Nag-enjoy po sila sa karaoke.”

Pero iyon na nga, wala pang wedding na magaganap?

“Wala pa po, tingnan po natin, depende po.”

Sa panahon nga ngayon ng pandemya, walang kasiguruhan ang mga bagay-bagay.

Sa mga health issues na pinagdaanan ni Carla simula 2019 (Tachycardia,

Hypothyroidism, liver damage at misdiagnosis ng asthma), malaki ang naging partisipasyon ni Tom.

“Si Tom po yung palaging nakikinig, laging tagasalo, lagi pong cheerleader, laging… very supportive naman po si Tom. In fact, si Tom medyo…ano ba… he took inspiration from my health scares, na mas inalagaan niya yung health niya, yung sarili po niyang health, so nag-plant-based diet po siya.

“More than three months. No more meat.”

Kahit isda ay hindi kumakain si Tom.

“No, pati dairy.”

Ganun din ang diet ni Carla?

“Hindi po, bale yung diet ko po may chicken and fish pa rin po, pero walang beef and pork.”

Samantala, abangan si Carla sa ang Sinapupunang Paupahan: The Naneth Villegas Story sa Magpakailanman upang malaman ang kasagutan.

Ngayong Sabado na sa Magpakailanman sa GMA at may hashtag na #CarlaAbellanaOnMPK, tampok din sa naturang episode sina Ryan Eigenmann, Janine Desiderio, Ina Feleo, Orlando Sol, at Sue Prado.

Ito ay sa direksyon ni Ms. Laurice Guillen. 

Leave a comment