May 23, 2025
Is Yayo Aguila looking for boyfriend?
Latest Articles

Is Yayo Aguila looking for boyfriend?

Oct 5, 2020

Wala pa ring lovelife hanngang ngayon si Yayo Aguila.

After nilang maghiwalay ng dating matinee idol noong 80’s na si William Martinez, ay hindi pa ulit siya pumapasok sa isang relasyon.

Pero okey lang naman sa kanya, na single pa rin siya.

Hindi niya priority ang lovelife

“Kapag nagdarasal ako, hindi ko hinihiling kay Lord na bigyan Niya ako ng boyfriend. Ang dinadasal ko, ‘yung sana lagi Niya akong bigyan ng trabaho,” sabi ni Yayo nang makausap namin sa show namin sa Kumu.

Natutuwa naman si Yayo na dinidinig ni Lord ang mga dasal niya.

Hayan nga at hindi siya nawawalan ng trabaho.

Kabi-kabila pa rin ang dating ng offer sa kanya sa telebisyon at pelikula.

Sa ngayon, ay napapanood siya sa isang BL series.

Gumaganap siya rito bilang nanay ng bida. Napapanood ang serye tuwing Linggo sa TV5, 7 pm.

Sa edad na 53, ay mukhang dalaga pa ring tingnan si Yayo, kahit may apat na anak na siya.

Maganda pa rin siya. Hindi tumatanda ang kanyang hitsura.

Siguradong marami pa rin ang nagkakagusto sa kanya.

Pero ayon sa mahusay na aktres, wala naman daw nanliligaw sa kanya.

“May nagsabi sa akin, na baka raw nai-intimidate ‘yung mga lalaki sa akin, kaya hindi nila ako magawang ligawan,” natatawang sabi ni Yayo.

Leave a comment