
Aiko Melendez receives anniversary surprise from bf Jay Khonghun
Hindi inakala ni Aiko Melendez na may sorpresang inihanda para sa third anniversary dinner nila ang boyfriend niyang si Zambales Vice-Governor Jay Khonghun noong October 28.
Sa halip kasi na isang simpleng dinner, naghanda si VG Jay ng isang intimate party kung saan imbitado ang malalapit nilang mga kaibigan at pamilya.
Base sa post ni Aiko sa kanyang latest vlog.
“I thought it was just a simple dinner. Little did I know, VG [vice governor] planned a surprise dinner with our families and friends.”
“The place was filled with my favorite flowers.”
Kaya naman nang makita ni Aiko ang sorpresa ng kanyang boyfriend, hindi niya napigilan na umiyak sa tuwa.
Kasama rin siyempre sa sorpresa ang mga anak ni Aiko na sina Andre at Marthena at ang kanyang ina na si Mommy Elsie.
Pero siyempre, sumunod sila sa strict health and safety protocols para makasiguro na ligtas silang lahat mula sa banta ng COVID-19, kaya lahat ng guest, pati na rin sina Aiko at Jay ay nakasuot ng face mask.
Mapapanood si Aiko sa hit afternoon series na Prima Donnas kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Kendra, ang fiancée ng karakter ni Wendell Ramos.