
Ricky Gumera wants to follow in footsteps of Jay Manalo
Kasama si Ricky Gumera sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer, na bida si Sean De Guzman.
Mula ito sa Godfather Productions ni Joed Serrano. Si Ricky ang second lead dito. Gumaganap siya bilang si Kyle.
Sa solo presscon na ipinatawag sa kanya ni Joed, ikinwento ni Ricky kung paano siya napasok sa pelikula.
“Nagkaroon ng audition ang Goodfather Productions para sa Anak Ng Macho Dancer. E, wala talaga sa plan ko na mag-artista. Sabi ni Meg (Perez, ang manager ni Ricky), i-try ko raw. Nu’ng nag-audition ako, nandu’n si Direk Joel Lamangan (ang direktor ng pelikula). Kinakabahan nga po ako dun, eh,” simulang sabi ni Ricky.
Patuloy niya, “In-interview ako roon. Then, pinaghubad ako, damit at shorts. Naka-brief lang ako. Tinanong ako kung anong kaya kong gawin. Sabi ko, wala akong experience sa pag-aartista. Sa pageant lang at modelling. Hindi ko naman ini-expect na makukuha ako sa pelikula.”

May lovescenes ba siya sa pelikula?
“Opo! Marami akong lovescenes,” sagot ni Ricky.
“Basta ang masasabi ko lang po, aabangan ninyo itong Anak Ng Macho Dancer. Lalo na ‘yung character ko. Hindi ko ini-expect na magagawa ko ‘yung mga pinagawa sa akin sa movie bilang si Kyle.”
Na ang tinutukoy ni Ricky ay ‘yung frontal nudity scene niya sa pelikula.
Si Jay Manalo ang gumaganap na tatay ni Ricky sa Anak Ng Macho Dancer. May pelikulang ginawa noon si Jay na Totoy Mola. Ibig sabihin ng pangalang ito, ay may makaling kargada.
Sa totoong buhay naman kasi, ay may maipagmamalaking ari si Jay. Kaya siya ang kinuhang magbida sa nasabing pelikula.
Ngayon, binansagan si Ricky na bagong Totoy Mola. Gaya kasi ni Jay ay malaki ang hinaharap ng tinanghal na Mister Global 2019.
Anong naging reaksyon ni Jay nang malaman nitong siya na ang bagong Totoy Mola?
“Hindi ko po alam kung alam niya na ngayon ‘yung bansag po sa akin bilang bagong Totoy Mola. Nagulat na nga lang po one time, nu’ng nabasa ko sa Facebook, hindi ko alam kung sino ‘yung nag-post ng article, na ako na nga raw ang makabagong Totoy Mola.
“Siguro kung malalaman ni Jay Manalo, baka sabihin pa niya, “Wow may susunod na sa mga yapak ko!”
“Siguro kung ganu’n ang sasabihin niya, sobrang magiging proud ako. Sobrang nakakatuwa kasi Jay Manalo ‘yan, eh! Trademark niya ‘yan.
“Pag binansagan kang bagong Totoy Mola, pabor sa akin ‘yan. May maipagmamalaki naman ako. Makikita ninyo sa movie.
“Kung ano mang mero’n ako, proud ako sa sarili ko. Parang gusto kong
ipakita kiung anong mero’n ako,” natatawang sabi pa ni Ricky.
Puring-puri ni Ricky si Jay bilang isang artista.
“Nu’ng shooting namin, sobra ko pong hinangaan si Jay Manalo. Kasi everytime na magri-rehearse, tapos take na, lagi siyang take one. Nakita ko kung gaano siya kagaling umarte. Sabi ko po sa sarili ko, sana balang araw, maging ganu’n din ako kagaling gaya ni Sir Jay.”
Sa tingin niya ba kaya niyang lagpasan ang mga daring scenes na ginawa ni Jay sa Totoy Mola?
“Hindi po sa pagbubuhat ng sariling bangko, kayang-kaya ko po talagang lagpasan.”