May 23, 2025
Sean De Guzman expresses gratitude to ‘Anak ng Macho Dancer’ producer
Latest Articles

Sean De Guzman expresses gratitude to ‘Anak ng Macho Dancer’ producer

Dec 17, 2020

SOBRANG na-appreciate ng guwapitong Clique V member na si Sean De Guzman ang kabaitan ng big boss ng The Godfather Productions na si Joed Serrano.

Si Joed ang utak sa likod ng pelikulang Anak ng Macho Dancer na ngayon ay pinag-uusapan na ng marami. 

Ito’y pinagbibidahan ni Sean at mula sa pamamahala ng batikang si Direk Joel Lamangan.

Pahayag ni Sean, “Nagpapasalamat po ako sa aming producer na napaka supportive at napakabait, na walang sawang tumutulong sa amin bilang baguhang aktor.”

Tampok din sa pelikula sina Allan Paule, Jaclyn Jose, Rosanna Roces, Jay Manalo, William Lorenzo, Emilio Garcia, Ricky Gumera, Charles Nathan, Miko Pasamonte, Niel Suarez, Chloe Sy, at iba pa.

Ano ang reaction niya sa sinabi ni Joed na silang lima – Sean, Ricky, Charles, Miko, Niel, plus si Joed, ay hati-hati sa kikitain ng movie, after maalis ang puhunan nito?

“Iyon po, nagulat ako, kasi sobrang bait talaga ni Sir Joed. Tama po, parang magiging feeling mo, parang producer ka na rin, eh,” nakangiting saad ni Sean.

Silang lima raw ay bibigyan din ng bahay ni Joed, kaya lalong na-overwhelm si Sean.

“Parang iniisip ko pa lang kapag nagkabahay na ako… kung dumating po iyong bahay na iyan, sobrang laki ng utang na loob ko kay Sir Joed.

“Ang laking pasasalamat po namin sa kanya dahil sa pabahay na ibibigay niya, dahil siya lang ang nakilala kong producer na may ganoong kalaking bonus ang ibibigay,” sambit pa niya.

Lahad pa ni Sean, “Pero kahit po walang pabahay o bonus si Mr. P (Joed) ay naniniwala po ako na may kabutihang puso po siya at totoong tao. Kaya sobrang thankful po ako, lalo na sa kanya at sa mga taong naniniwala sa akin.”

Bukod sa pagiging daring, makikita ang husay ni Sean sa pag-arte sa nasabing pelikula, pati na rin sa pagsasayaw.

Nabanggit ni Sean na ibinigay niya ang lahat para magawa nang tama ang hinihingi ng papel niya rito, lalo na ang mga daring na eksena.

Wika niya, “Sinabi ko na lang sa sarili ko na magfo-focus ako rito at ibibigay ko ang lahat. And yung kaba ko po habang nagsu-shooting, ginamit ko na lang iyon para maayos kong mai-deliver ang hinihingi ng role ko po.

“Iyong papel ko po kasi rito, parang may hawig talaga sa pagkatao ko. Si Inno (karakter niya) po kasi, isa siyang risk taker, na gagawin ang lahat para sa pamilya niya.”

“Itong pelikulang ito… kasi yung iba kapag sinabing macho dancer, parang naiisip agad ng iba na bastos o malaswa… pero rito po sa Anak ng Macho Dancer ay iba po, marami po kayong mapupulot na aral sa movie namin,” paniniyak pa ng actor na under ng 3:16 Events and Talent Management ni Ms. Len Carrillo.

Leave a comment