May 23, 2025
Pinoy viewers are watching two entries the 2020 MMFF didn’t nominate for best picture
Latest Articles

Pinoy viewers are watching two entries the 2020 MMFF didn’t nominate for best picture

Dec 26, 2020

Natutuwa kami na sa gaganaping awards night ng Metro Manila Film Festival 2020 ay nominadong Best Picture ang Tagpuan pero nagtataka kami na hindi nominado ang Isa Pang Bahaghari at Suarez: The Healing Priest na parehong drama films.

Ang iba pang Best Picture nominees ay ang The Boy Foretold by the Stars, Fan Girl, The Missing at Magikland.

The same way na natutuwa kami na nominadong Best Director si

Mac Alejandre para sa Tagpuan pero nagulat kami na hindi nominado sina Joel Lamangan at Joven Tan para sa Isa Pang Bahaghari at Suarez: The Healing Priest respectively.

Makakalaban ni direk Mac sina Christian Acuna (Magikland), Antoinette Jadaone (Fan Girl), Dolly Dulu (The Boy Foretold by the Stars) at Easy Ferrer (The Missing).

Hindi man nominado bilang Best Picture ay nominado naman bilang FPJ Memorial Award ang Isa Pang Bahaghari at Suarez: The Healing Priest; makakakalaban nila ang Coming Home at Magikland.

Kasama rin sa mga pagpipilian bilang GatPuno Antonio J. Villegas Cultural Award ang Isa Pang Bahaghari at Suarez: The Healing Priest kalaban ang The Boy Foretold by the Stars, Coming Home at Magikland.

Pasok din bilang nominado sa kategoryang Gender Sensitivity Award ang Isa Pang Bahaghari kalaban ang Coming Home at The Boy Foretold by the Stars.

Magtatagisan naman ng husay ang mga Best Actress nominees na sina Iza Calzado (Tagpuan) at Nora Aunor (Isa Pang Bahaghari) at sina Ritz Azul (The Missing), Charlie Dizon (Fan Girl) at Sylvia Sanchez (Coming Home).

Hindi man nominado ang mga pelikula nila ay nominado naman bilang Best Actor in a Leading Role sina Philip Salvador (Isa Pang Bahaghari) at John Arcilla – Suarez: The Healing Priest kalaban sina Adrian Lindayag (The Boy Foretold by the Stars) at Paulo Avelino (Fan Girl).

Bongga rin ang line-up sa kategoryang Best Actress in a Supporting Role; pinag-uusapan ang husay ni Shaina Magadayao (Tagpuan) at laglag man ang movie nila ay pasok si Rosanna Roces (Suarez: The Healing Priest) kalaban sina Bibeth Orteza (Magikland), Miles Ocampo (The Missing) at Jaclyn Jose (Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim). 

Hindi na kami nagulat na nominated bilang Best Actor in a Supporting Role sina Zanjoe Marudo at Michael de Mesa (both for Isa Pang Bahaghari) dahil mahusay naman silang aktor.

Kalaban nila sina Dante Rivero (Suarez: The Healing Priest) at Edgar Allan Guzman (Coming Home) at Leinard Ramos (The Boy Foretold by the Stars).

Bilang Best Child Performer naman ay dalawa ang nagmula sa Tagpuan, sina Ryan Jay Obana – Tagpuan at Miguel Gabriel Diokno kalaban sina Jana Agoncillo (Coming Home) at Seiyo Masunaga (The Missing).

Expected na namin na mano-nominate bilang Best Screenplay si Ricardo Lee para sa Tagpuan; kalaban ng Tagpuan ang The Missing (Easy Ferrer), Fan Girl (Antoinette Jadaone), The Boy Foretold by the Stars (Dolly Dulu) at Coming Home (Gina Marisa Tagasa).

Ang iba pang mga nominado sa MMFF 2020 virtual awards night na gaganapin ngayong Linggo, December 27 ay ang mga sumusunod:

Best Student Short Film

Balikbayan – University of Makati

Laruan Baril – Far Eastern University High School

Paano Maging Babae – De La Salle College of Saint Benilde

Best Visual Effects

Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim – Gerwin Meneses of GMVFX

Magikland – Richard Francia, Ryan Grimarez (Central Digital Lab)

The Missing – Luminous Films

Best Production Design

The Boy Foretold by the Stars – Lars Magbanua

The Missing – Popo Diaz

Magikland – Ericson Navarro

Suarez: The Healing Priest – Ronnie Dizon

Tagpuan – Ericson Navarro

Best Musical Score

Magikland – Emerzon Texon

Fan Girl – Teresa Barrozo

Suarez: The Healing Priest – Sherwin Castillo

The Boy Foretold by the Stars – Paulo Protacio

The Missing – Jessie Lasaten

Best Editing

Isa Pang Bahaghari – Mai Calaparado

The Missing – Renewin Alano

Fan Girl – Benjamin Tolentino

Tagpuan – Carlo Francisco Manatad

Magikland – Manet Dayrit, She Lopez Francia (Central Digital Lab)

Best Cinematography

Fan Girl – Neil Daza

Magikland – Rody Lacap

The Boy Foretold by the Stars – Marvin Reyes

Suarez: The Healing Priest – Teejay Gonzalez

The Missing – Marvin Reyes

Best Original Theme Song

“Hanggang Muli” by Emerson Texon – Isa Pang Bahaghari

“Ulan” by Jhay Cura/Pau Protacio – The Boy Foretold by the Stars

“Yakapin Mo Ako” by Joven Tan – Suarez: The Healing Priest

“Smile” by Emerzon Texon – Magikland

“Ganyan ang Pag-ibig ko” by Lito Camo – Coming Home

Best Sound

The Missing – Fatima Nerrika Salim, Immanuel Verona

Tagpuan – Albert Michael Idioma

The Boy Foretold by the Stars – Wildsound Inc.

Magikland – Albert Michael Idioma, Alex Tomboc (Wildsound Studios)

Fan Girl – Vincent Villa

May ilang viewers naman ang nahihirapang makapasok sa Upstream.ph para makapanood ng MMFF entries. Sana ay maging okay na ang ilang reklamo ng mga manonood. 

For sure naman ay ginagawan na ito nang paraan ng Upstream. 

Para makabili ng tickets, visit Upstream.ph.

Leave a comment