
Director Joven Tan talks about Fr. Suarez, healing
Isa sa entries sa ongoing 2020 Metro Manila Film Festival ang biopic ni Father Fernando Suarez titled Suarez: The Healing Priest, na pinagbibidahan ng premyadong aktor na si John Arcilla.
Inusisa namin ang direktor nitong si Direk Joven Tan kung paano niya ide-describe ang kanilang pelikula?
Tugon niya, “Ano siya, isa siyang inspirational-drama na bagay na bagay mapanood ng mga pamilyang Pilipino, lalo ngayong panahon ng pandemya at mga kalamidad na nangyayari sa atin.”
First time niyang nakatrabaho ang veteran actor, ano ang masasabi niya sa lead actor ng kanilang pelikula?
Lahad ni Direk Joven, “Okay siyang katrabaho, magaan naman, professional siya… wala namang naging problema.”
Nabanggit din ni Direk Joven kung paano niya pinaghandaan ang pelikula.
“Oo, todo-research… bale mayroon kaming mga researcher, tapos ako, personal- naghanap-hanap din ako ng mga ano, tapos nag-usap kami, kinilala ko siya.
“So, para makita ko rin kung ano yung mga galaw niya, yung mga ano niya… Ayun, inaral ko.”
In-interview din ba niya si Father Suarez?
“Yes! Siguro, mga limang beses kami nag-meet,” pakli pa ni Direk Joven.
Ito ba ang unang pagkakataon na nagdirek siya ng isang true to life movie?
“May mga nagawa na ako before, pero ito yung medyo controversial na kilala,” matipid na tugon pa niya.
Makikita sa pelikula ang tungkol sa buhay ng tinaguriang healing priest kung paano siya nagsimulang magpagaling ng mga may sakit, ang mga testimonya ng kanyang mga napagaling at maging ang mga kontrobersiyang ipinukol sa kanya at kung paano niya ito napagtagumpayan.
January this year nang ilabas ng Vatican na cleared si Fr. Suarez sa sexual molestation na isinampang kaso sa kanya ng dalawang altar boys, ilang araw bago namatay si Father Suarez.
Ipinahayag pa ni Direk Joven na ang pelikulang Suarez: The Healing Priest ay bagay ngayong Kapaskuhan.
Esplika niya, “Sabi ko nga, kailangan na kailangan natin ngayong panahon na ‘to, kasi magkakaroon ka ng parang panibagong pag-asa. Alam mo yun? Mga ganoon yung kailangan natin.
“Bagay sa MMFF at bagay ngayong panahon ng Kapaskuhan ang pelikulang ito.”
Showing na ngayon ang pelikula worldwide via Upstream.
Ito’y handog ng Saranggola Media Productions.
Bukod kay John, tampok din sa pelikula sina Alice Dixson, Jin Macapagal, Marlo Mortel, Jairus Aquino, Rosanna Roces, Troy Montero, Rita Avila, at marami pang iba.