May 23, 2025
Ashley Aunor dedicates ‘Loko’ to all cheaters, out on January 15
Latest Articles

Ashley Aunor dedicates ‘Loko’ to all cheaters, out on January 15

Jan 6, 2021

May bagong ilalabas na single ang talented na singer/composer na si Ashley Aunor sa January 15.

Pinamagatang Loko, ang kanta ay patama sa mga lalaking manloloko.

Kuwento sa amin ni Ashley, “May ilalabas po akong single sa January 15, iyong name ng song is Loko! Ito po ay through DNA music (sub-label ng Star Music) ire-release.”

Saad pa niya, “Loko! is a hip-hop song about my fictional ex-boyfriend na nang-cheat on sa akin.

“The song is written and fully produced by Aunorable Productions, ito po ang production duo namin ni Ate Marion.”

Nakangiting dagdag pa ni Ashley, “For fun and all fiction lang naman yung lyrics ng song. Marami kasing manlolokong lalaki ngayon, hahaha!

“Loko! will be released through all digital platforms. Maybe, eventually ay magka-EP (Extended Play) din po ako. But focus muna ako sa singles, for now.”

Kabilang sa unang naging single ni Ashley ang kantang Mataba na kontra sa body shaming. Ito ay sinundan naman niya ng Diyosa ng Kaseksihan.

Sa nagdaang 33rd Awit Awards ay naging nominado si Ashley bilang Best Novelty Recording para sa kanyang first single titled Mataba.

Si Ashley na kilala rin bilang Cool Cat Ash, ay ang bunsong anak ng dating teenstar na si Ms. Maribel ‘Lala’ Aunor.

Nagpahayag din ng kagalakan ang batang rakista na ang isa sa covers niya ay napasali sa Fresh Finds Philippines.

Aniya, “Na-add sa “Fresh Finds Philippines” Spotify playlist ang Laki Sa Layaw live cover ko before 2020 ended and natuwa ako ng may pa-New Year blessing si God through that surprise.”

Kabilang pa sa dalawang covers na inilabas ni Ashley ay ang Iskul Bukol theme song ng pamosong trio nina Tito, Vic & Joey, at Bonggahan na originally ay pinasikat ng Queen of Pinoy Rock na si Sampaguita.

Sa tatlong covers na ito ay makikita kung gaano ka-versatile talaga at kung gaano katindi ang pagkagiliw sa rock classics ng younger sister ni Marion Aunor.

Sambit pa ni Ashley, “Mahilig talaga ako sa classic rock, hindi lang po classic Pinoy Rock, kahit anong classic rock po.”

Leave a comment