May 23, 2025
Jillian Ward’s glow wows netizens, earns ‘Social Media Princess’ title
Latest Articles

Jillian Ward’s glow wows netizens, earns ‘Social Media Princess’ title

Feb 3, 2021

Nakakatuwa ang pag-arangkada ng popularity sa social media ng Kapuso actress na si Jillian Ward.

Sa ngayon ay milyones ang followers ng young actress sa kanyang dalawang Facebook page.

Sa page na ito – https://www.facebook.com/JhyllianneWarde, nasa 8.5 million ang followers niya.

Dito naman sa – https://www.facebook.com/MyJjjilllianWaaarrddd ay umaabot sa higit 7.7 million ang followers ni Jillian.

Siya ang sinasabing kauna-unahang teen actress na nagkaroon ng 1.5 million likes sa Facebook.

At nagawa niya ito sa loob lang ng two weeks!

Plus, ang naturang FB post ay nagkaroon din ng 28 million views!

Nakapanayam namin thru FB messenger ang magandang teen actress at inusisa namin siya hinggil dito.

Panimulang lahad sa amin ni Jillian, “Natutuwa po ako, dahil nagbabasa rin po ako ng comments at grabe po yung suporta and pagmamahal po ng mga followers ko.

“Mayroon na po siyang 1.5m likes, 28m views (parang nadadagdagan po ng 1 million a day), 28k comments, and 60k shares.”

Aniya pa, “Masaya po ako na may napapasaya ako through my posts.”

Ano sa palagay niya ang rason at umabot ng 1.5 million likes at 28 million views ito na siguradong madadagdagan pa?

Nakangiting esplika ng dalagitang nagbida sa Trudis Liit ng GMA-7 noong siya ay five years old pa lang, “Sa tingin ko po dahil na-surprise rin po sila na malaki na si Trudis!

“Mayroon din po akong video na umabot po ng 1.1m likes, and 58k shares in only two weeks. Pictures ko po yun and may nagpe-play po na kanta na isinulat po para sa akin. Title po is Pinay Girl by techflow neri.

“At opo, nagulat din po ako dahil umabot po ng 8.5 million followers ko in only four months po.”

Pahabol na dagdag pa niya, “Mayroon din po akong mga song covers dito sa Facebook po… may mga kalahating million po yung likes, kaya sobrang thankful ko po talaga.”

Ano ang magiging reaction niya kung babansagan siyang Social Media Princess o Social Media Star?

Masayang tugon ng young actress na sa February 23 ay magiging 16 years old na, “Sobrang nakakatuwa po kung ganoon ang ibigay po ni God, pero sa totoo lang po, hindi ko po hahayaan na maapektuhan po ako ng ganong title… basta po ginagawa ko lang po ang alam kong makaka-inspire sa iba.”

Nagbigay din siya ng message at pasasalamat sa sandamakmak niyang fans and followers.

“Gusto ko pong mag-thank you sa kanila. Thank you dahil grabe po silang magmahal at dahil po sa kanila, mas may confidence na po akong i-spread yung message ko, which is to just keep pushing forward, stay kind, and to always spread love/good vibes.”

Si Jillian ay isa sa stars ng top rating TV series na Prima Donnas ng GMA-7 na tinatampukan din nina Aiko Melendez, Wendell Ramos, Katrina Halili, Chanda Romero, Benjie Paras, at iba pa.

Nagpasalamat din si Jillian sa kanilang mga suking televiewers sa walang sawang suporta, kaya laging mataas ang kanilang ratings.

“Nakaka-overwhelm po dahil talagang tutok na tutok po sila sa show po na pinaghirapan namin.

“Lalo na po noong nag lock-in taping kami, mas mahirap po ang trabaho pero todo effort po ang buong Prima Donnas family para mapasaya po ang viewers namin,” masayang pahayag pa ni Jillian.

Leave a comment