May 22, 2025
Angeline takes pride and honor to sing for Pope Francis
Latest Articles Showbiz World

Angeline takes pride and honor to sing for Pope Francis

Jan 14, 2015

Antazo PSR pic

by Mildred A. Bacud 

Angeline-Quinto11Ngayon pa lang ay excited na si Angeline Quinto sa nalalapit na performance niya sa pagdating ni Pope Francis. Sa misa sa University of Sto.Tomas sa Linggo, magpi-perform ang singer ka-duet ang world-class performer na si Jed Madela. Aawitin nila ang original song na “On Eagles Wings” na kasama sa “We Are All God’s Children” album ni Jamie Rivera.

Isa raw malaking karangalan para kay Angeline na napili siyang kumanta at maibahagi ang kanyang talento para sa Santo Papa.

“Sabi ko nga kahit napakalayo ko kay Pope, basta iisang lugar lang ang tinatapakan namin okey na po ako”

Taong 2012 ng magpunta si Angeline sa Vatican at pinalad siyang makadalo ng misa na mismong si Pope ang nagmisa.

___________________________________________________________________________________________________________________

Arci Munoz, almost quit Showbiz

arci munozMuntik na palang mag-quit sa showbiz ang aktres na si Arci Munoz matapos ang kanyang kontrata sa TV 5 last year. Hindi na siya nag-renew dahil wala naman daw projects na in-offer sa kanya. Kaya naman nag-try siyang mag-audition sa isang teleserye ng ABS-CBN, ang “Two Wives,” na umeere pa rin ngayon at pinagbibidahan nina Kaye Abad at Erich Gonzales. Unfortunately ay hindi siya nakapasa. Buti na lamang sa pagsubok niya muli ay nakuha na siya sa upcoming teleserye ng Kapamilya, ang “Pasion de Amor,” kung saan isa siya sa mga bida kasama sina Ejay Falcon, Jake Cuenca at Coleen Garcia. Kung hindi raw sana sa bagong opportunity na ito ay nag-quit na siya sa showbiz.

Produkto si Arci ng Starstruck ng GMA 7 no’ng 2005. Lumipat siya sa TV 5 no’ng 2010 at late last year ay Kapamilya star na siya.

Follow me…

social networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply