
Janine welcomed like Queen, promotes new movie
Marami ang humanga kay Janine Gutierrez dahil kahit walang prangkisa ang ABS-CBN ay dito siya lumipat mula sa bakuran ng GMA.
Bakit nga ba pinili niyang maging Kapamilya?
“Ako personally, I’m amazed at how despite the situation, ABS-CBN comes up with so much quality content, at siyempre ‘yung mga Kapamilya hindi bumibitaw, di ba?
“Especially now even ASAP is on TV5, and everything is also digital online, so I feel like the opportunities are limitless din po talaga ngayon.
“And siguro I’m at the stage din in my career na hindi na naman ako teenager and I feel like some opporunities only come once and I really wanted to grab this opportunity and make new projects, be part of new stories, work with new people, so ayun.
“Siguro kahit anupaman ang sitwasyon, masaya talaga ako na nandito ako sa ABS-CBN.
“And pangarap ko rin talaga makagawa ng international project and what better place to start than here, di ba,” ang paliwanag ni Janine.
Samantala, hindi ang grand welcome sa kanya sa ASAP Natin ‘To (nitong January 24) ang unang pagpunta ni Janine sa bakuran ng ABS-CBN; hindi pa siya artista ay tumuntong na siya sa bakuran ng Kapamilya network.
“It wasn’t my first time to step inside the ABS-CBN lot, the last time I was here, dito sa ELJ, nag-field trip kami nung high school! Yeah, as in studio tour.
“Umikot kami sa Game KNB, as in studio tour!
“High school, as in naka-high school uniform ako,” at tumawa si Janine, “inikot namin ‘yung mga studio and then eversince ngayon lang ako ulit nakabalik so sobrang surreal, that my first time inside ABS-CBN was diretso sa ASAP stage.
“So imagine mo ‘yung kaba ko, and parang sobrang surreal lang and I’m so thankful lalo na sa staff ng ASAP na talagang sinalubong ako.”
Sa mga Kapamilya artists naman, honored si Janine na no less than Gary Valenciano ang unang nag-welcome sa kanya during the ASAP Natin ‘To launch ni Janine.
“Si Sir Gary, siya yung unang pumasok sa dressing room ko and he welcomed me personally.
“So para sa akin sobrang laking bagay na si Sir Gary pinuntahan ako sa dressing room and he said that they were happy I was here, of course Sir Martin [Nievera], Sir Ogie [Alcsid], so I’m so thankful talaga to ASAP for parang malaking yakap ‘yung naramdaman ko.”
Unang beses din sa ASAP Natin ‘To na magkasama sa trabaho sina Janine at kapatid niyang artista na rin, si Diego Gutierrez.
“So I’m so excited kasi I’ve worked with my parents, I’ve worked with my grandparents pero si Diego hindi ko pa nakaka-work. And sabi ko nga siya ‘yung kauna-unahang singer namin in a long time, I guess the last time, si Mamita pa.”
Si Mamita ay ang lola nina Janine at Diego, ang Asia’s Queen Of Songs na si Ms. Pilita Corrales na ina ni Ramon Christopher, ang ama nina Janine at Diego.
“So si Diego na ‘yung sumunod sa pagiging singer so excited ako na puwede na akong maging audience in person sa ASAP.”
May bagong pelikula si Janine with JC Santos titled “Dito at Doon.”

Showing na ito sa Marso 17 sa ilang piling sinehan mula sa TBA Studios at WASDG Productions at idinirek ni JP Habac.
Makakasama rin dito sina Yeshi Burce, Victor Anastacio at Lotlot de Leon.