
BidaMan Dan Delgado enjoys doing ‘Ayuda Babes’
Mapapanood si Bidaman Dan Delgado sa pelikulang Ayuda Babes na pinamahalaan ni Direk Joven Tan.
Tampok dito si Gardo Versoza, with Christi Fider, Zeus Collins, at may special participation sina Marlo Mortel at Marc Logan.
Pinagsama-sama sa naturang pelikula ang mga pambatong stand-up comedian sa bansa sa pangunguna nina Ate Gay, Negi, Iyah Mina, Petite, Joey Paras, Brenda Mage with Juliana Parescova Segovia at Bernie Batin.
Ano ang role niya sa pelikula?
Esplika ni Dan, “Iyong role ko po is a hunk, I play the role of… parang guwapo na guy pero may sort of, hindi siya super matalino na guwapo. So, parang guwapo lang hahaha!”
Parang triangle ba sila rito nina Christi at Marlo?
“Hindi po, actually ang naging ano ko po is si Bernie, so parang isa ako sa bumibili sa tindahan niya, yung parang funny moment na comedy.”
Parang naging papa siya ni Bernie sa movie?
“Ayun! Parang ganoon, parang ganoon. Parang mag-MU po kami, Parang ganoon hahaha!
“So yun, parang papogi-pogi sa beki, mga targetan na ganoon,” nakangiting wika pa ni Dan.
Nabaggit din ng Kapamilya actor na nag-enjoy siya sa pelikulang ito.
Lahad ni Dan, “Yeah, super naman po.”
Dagdag pa niya, “Well, hindi ako nakapag-shoot ng mga first day but then… kasi panghuli na kami nakapasok, but I had a great time over all.
“Parang blessing indisguised din, kasi biglaan din siya nangyari and sobrang thankful ko kay direk Joven, Ms. Edith for the trust and yun, I got to meet like sina Bernie, Christi, and the rest of the cast din…
“Hindi ko sila nakasama but other than that, nag-enjoy ako,” pakli pa ni Dan.
Ang Ayuda Babes ang pinakabagong handog ng Saranggola Media Productions.
Hatid ng pelikula ang mga kakaibang kuwentong-barangay at kung ano-anong eksena ng madlang people habang naka-lockdown sa bahay at naghihintay ng ayuda.
Kaya tiyak na maraming makaka-relate sa movie.
Ipalalabas ang Ayuda Babes sa iWant TFC at sa Ktx.Ph simula March 5.