May 23, 2025
Vin Abrenica talks fatherhood, new project ‘Nelia’
Latest Articles

Vin Abrenica talks fatherhood, new project ‘Nelia’

Mar 20, 2021

Blessing in disguise na maituturing ni Vin Abrenica ang pandemya.

Sa panahon kasing ito naganap ang engagement nila ng fiancee na si Sophie Albert.

This March din ipinanganak ang kanilang first-born ni Sophie.

“With the big, big changes in my life, I’m so happy. While staying home, nakapag-alaga ako ng buntis and now I’m embracing my new role as a father,” aniya.

Paliwanag pa niya, maraming bagay daw ang itinuro sa kanya ng pagiging tatay.

Kung noon daw ay gusto niyang laging nasa labas, nagkaroon daw ng rason para maging mabunga ang kanyang pamamalagi sa bahay sa pagdating ng kanilang anghel.

Dagdag pa niya, kung dati raw ay sarili lamang niya ang kanyang iniintindi, nabago raw ang lahat nang isilang ang kanilang baby girl.

Nagkaroon din daw ng bagong direksyon ng kanyang buhay.

Hirit niya, mas inspired daw siyang magtrabaho ngayon.

Pagbabahagi pa niya, kung noong mga unang araw daw ay nag-a-adjust siya dahil kailangan niyang magpuyat sa pagpapalit ng diaper ng kanilang sanggol, ngayon daw ay nakasanayan na niya ito.

Paniwala niya, may advantage rin na bago siya pumalaot sa showbiz ay nag-aral siya ng nursing kahit hindi niya ito natapos.

Kumbaga, naia-apply daw niya ang natutunan sa kanyang kurso sa pag-aalaga sa kanilang baby.

“Noong una, sobrang nakakapagod siya pero for me, it’s the most rewarding thing. Sobrang sarap talaga,” ani Vin.

Ang panahon ng pandemya ay naging pagkakataon din daw para magbukas ang ibang oportunidad para sa kanya.

“Dahil stay home, we’re looking for new ways to work out. Sophie and I have a vlog and we have this business for gym equipments,” kuwento niya.

Si Vin ay nagbabalik-pelikula sa Nelia, isang psychological thriller kung saan ginagampanan niya ang role ni Jeff, isang nars.

Mula sa A and  Q Production ni Atty. Aldwin Alegre, ang Nelia ay ididirehe ni  Lester Dimaranan mula sa panulat ni  Atty. Melanie Honey Quiño.

Kasama rin sa cast sina Winwyn Marquez,  Ali Forbes, Dexter Doria, Lloyd Samartino, Mon Confiado, Shido Roxas at Raymond Bagatsing.

Leave a comment