
How to get rid of acne scars, according to actress Katrina Halili
KAHIT panahon ng pandemic, marami pa ring blessings na dapat ipagpasalamat ang mahusay na aktres na si Katrina Halili.
Isa na rito ang patok na TV series nilang Prima Donnas na magkakaroon ng Book-2. May movie rin siyang nakatakdang gawin na pinamagatang Abe-Nida, ito’y pamamahalaan ni Direk Louie Ignacio.
Katuwang ni Katrina sa lead role ng pelikulang ito ng BG Productions International ni Ms. Baby Go, ang award-winning actor na si Allen Dizon.
Kabilang pa sa bagong blessing kay Kat (nickname ni Katrina) ang pagiging endorser niya ng BeauteDerm, na ang CEO at president ay ang masipag at napakabait na si Ms. Rhea Anicoche Tan.
Base sa mga FB post ni Katrina, ang ilan sa produktong ineendorse ng aktres sa Beautederm na isa ngayon sa top leaders ng beauty and wellness industry sa bansa ay ang C’est Clair Blemish Banishing Gel at All-Natural Beauté L’ Elixir Refining toner.
Nagandahan kami nang nakita namin ang video ng Beautederm sa Facebook page nito bilang pag-welcome kay Katrina.

Makikita rin ang pasasalamat at kasiyahan ni Kat sa pagiging parte niya ng Beautederm sa FB post niyang ito: “Dream come true to be part of Beautederm family, Love you Rei Anicoche Tan thank you for the warm welcome.”
Sa aming panayam kay Kat, ipinahayag niya kung gaano ka-effective ang mga produkto ng Beautederm.
“Sobrang happy ko po na isa akong Beautederm baby, napakabait ni mommy Rei Tan,” sambit ng magandang Kapuso actress.
Wika pa ni Kat, “Actually, last year sobrang dami kong acne scar, kaya hinanap ko yung Beautederm. And super happy ako, nag-glass skin ako and hindi na ako nagkaka-pimples.
“Kaya ‘pag may nagtatanong sa akin, sinasabi ko Beautederm ang ginagamit ko, hanggang sa nakarating kay Ms. Rei, kaya niya ako hinanap.
“True story po ito. Sobrang ganda ng products nila, sobrang gandang product ng Beautederm,” masayang lahad pa ni Katrina.