
Janine describes her movie: ‘Yung pagka-edit at kung paano ginawa ‘yung pelikula, ang galing!
Makalipas ang isang taon mula nang nangyari ang pandemic sa bansa, ang TBA Studios, in association with WASD Films ay ilulungsad ang online release ng pandemic romance movie titled Dito at Doon ngayong Wednesday, March 31, 2021.
Halos isang buwan sumabak sa lock-in shooting ang casts ng Dito at Doon na kinabibilangan nina Janine Gutierrez, JC Santos, Yesh Burce, Victor Anastacio Lotlot de Leon, at iba pa.
Ang nasabing pelikula na mula sa pamamahala ni Direk JP Habac ay nagkaroon ng world premiere thru KTX.PH noong Marso 28.
Sa ginanap na zoom mediacon, inusisa si Janine kung ano ang naging initial reaction niya after mapanood ang kanilang movie?
Tugon ng tisay na aktres, “It’s hard to say yung reaction ko without spoiling the ending, eh. Pero even if I knew what was going to happen, yung pagka-edit at kung paano ginawa yung pelikula, ang galing. Like, I can say na wala pa akong napanood na pelikulang ganoon.
“Sinabi ko nga kay Direk JP na ang galing ng version niya for the film, kasi ay nagawa niyang bago yung isang kuwento na originally ay dapat parang zoom lang yung mga usapan or through the phone.
“So, na-enjoy ko siya and kinakabahan ako, kasi kinakabahan talaga ako kapag premiere night. So, wala rin palang pagbabago kahit virtual, kinakabahan pa rin ako,” nakatawang pakli pa ni Janine.
Saad pa ng Urian and Famas Best Actress na si Janine ukol sa kanilang pelikula, “Kasi naging makatotohanan siya. Hindi niya isinantabi itong mga pinagdaanan natin nitong ECQ, GCQ, and instead sinubukan niyang i-mirror iyon at ipakita.”
Sa Dito at Doon, gumanap si Janine bilang si Len Esguerra, isang headstrong Political Science graduating student na no-boyfriend-since-birth.
Samantalang si JC ay si Carlo Cabahug, ang breadwinner ng kanyang pamilyang nasa Cebu mula nang inabandona ng kanyang tatay. Siya ay nagtatrabaho bilang delivery rider.
Nang nag-krus ang landas nila via online sa simula ng ECQ last year, eventually ay nagkalapit sila sa pamamagitan ng virtual communication at may nabuong kakakaibang koneksiyon sa kanilang dalawa.
Ano ang mensahe niya sa mga taong nawawalan ng pag-asa o sa mga inaatake ng boredom ngayong pandemic?
Anang aktres, “Kung bored ka, napakalaking prebilehiyo iyon, na alam mo iyon? Na wala kang pinoproblema, ibig sabihn ay ang problema mo lang ay kung ano ang gagawin mo. So, kung bored ka, bili ka na lang ng ticket ng Dito at Doon.
“Kung mayroon kang extra na panggastos, isama mo yung mga kasama mo sa bahay at manood kayo ng Dito at Doon,” nakangiting wika niya.
Kapag natapos na ang pandemya, ano ang gusto niyang unang gawin?
Esplika ni Janine, “Ako, gusto kong manood ng sine talaga, katulad ni Direk JP. I was really looking forward to watching inside a theater. Kasi siyempre, iba pa rin yung experience, di ba?
“But you know, kailangan nating mag-adjust kung ano ang pinakaligtas sa atin ngayon. Pero once na ano, iyon talaga… Naiinggit ako sa mga ibang bansa na nakakanood na ulit sa sinehan.”
Anyway, ito ang unang pagkakataon na ang isang local na pelikula ay magkakaroon ng simultaneous streaming sa limang major online platforms na kinabibilangan ng KTX, Cinema76@Home, Iwant TFC, Upstream, Ticket2me.
May early bird promo ang Dito at Doon sa halagang Php300 (P50 off) at 350 naman sa regular price.
Para sa karagdagang impormasyon, maaring bumisita sa Log in to Facebook, follow TBA Studios on Twitter, Instagram, and Youtube. Join the conversation online using the hashtags #DitoAtDoon #ProudlyTBA.