May 22, 2025
After ‘TLR’ finale, Kelvin Miranda gives update: Sana mabigyan muli kami ng chance
Latest Articles

After ‘TLR’ finale, Kelvin Miranda gives update: Sana mabigyan muli kami ng chance

Apr 20, 2021

SA guesting ni Kelvin Miranda sa radio show ni  Mama Belle na Sikat sa LS97.1 kamakailan, tinanong ng huli ang una kung ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ni Kelvin sa character niya bilang si Chef Harvey sa katatapos lang na serye nilang The Lost Recipe.

Sabi ni Kelvin, “Sa palagay ko po ‘yung pagiging pursigido, desidido sa mga bagay na gusto niya talagang makuha lalo sa mga pangarap niya.

“Kasi, ang dami niyang sinugal, ang dami niyang sinacrifice para sa mga pangarap niya. Kahit na alam niyang medyo alanganin at napapasama siya, sinugal niya ‘yung sarili niya, actually.

“Nawala ‘yung pamilya niya. Nawala ‘yung kuya niya dahil sa mga desisyon na ginawa niya.”

Sino ang gusto niyang ipagluto bilang isa siyang chef sa The Lost Recipe?

“Gusto kong ipagluto yung mga fans ko At yung lahat ng mga sumuporta sa The Lost Recipe. Para matikman nila yung luto ni Chef Harvey.”

Si Mikee Quintos ang kapareha ni Kelvin sa The Lost Recipe. May follow-up project na ba sila after ng kanilang sucessful show?

“Sa project, wala pa kaming balita. Nagpapahinga po muna kami ngayon. Sana mabigyan muli kami ng chance ng nasa itaas (GMA 7 management) para magpasaya ng mga manonood.”

Ang naging themesong ng The Lost Recipe ay Two Of A Kind, na sina Kelvin at Mikee mismo ang kumanta. Mapapakinggan ito sa lahat ng digital platfiorm.

Tuluy-tuloy na rin ba ang pagiging singer niya?

“Kung kakagatin tayo, bakit hindi, ‘di ba?”

Leave a comment