May 25, 2025
Pinay pride Rabiya Mateo preparing now for her winning look
Latest Articles

Pinay pride Rabiya Mateo preparing now for her winning look

May 6, 2021

Isa sa mga matinding pasabog ni Miss Universe Philippines Rabiya Mateo sa Miss Universe 2020 beauty pageant sa Amerika ay ang mahigit isandaang fashion designers na siyang mamamahala ng mga isusuot niya sa nabanggit na international beauty pageant sa May 16 (may 17 dito sa Pilipinas).

Kuwento ni Rabiya sa dinaluhan naming Zoom mediacon nitong Miyerkules ng umaga, May 5 dito sa Pilipinas (Martes ng gabi, May 4 sa Florida, USA kung saan naroroon ngayon si Rabiya):

“Actually, in relation to my styling, we decided to really tap different designers all over the Philippines.

“Actually, it’s been more than a hundred designers who really helped me in this journey—from Luzon, Visayas, and Mindanao.

“Can you imagine how crazy it is? And… we noticed that in the past few years, it’s been the textile, you know, the cloth that is being highlighted.

“And now we wanted to focus on the craftmanship, on the artistry of Filipino designers, that’s why I’d like to assure the pageant fans that they’re gonna see a lot of modern and stylish outfits that is about to come.

“The competition proper, it’s gonna start on May 6. And I’m very much excited for my arrival outfit,” pahayag pa ni Rabiya.

Ano pa ang kanyang pinaghahandaan para maiuwi ang Miss Universe crown? 

“As of the moment, I can say, it’s all about what’s gonna be my winning look.

“So, we’ve been preparing and I really need to do it for myself. I’ve been practicing what shade to use, you know. If I’m gonna do my hair up or hair down.

“It’s a little polishing that is about to be done. And I’m confident. I’ve been supervised by the best of the best professionals in the industry.”

Ibinahagi naman ni Rabiya ang isa sa mga payo sa kanya ni  Shamcey Supsup, Miss Universe 2011 3rd runner-up at ngayon ay national director ng Miss Universe Philippines.

“She would always remind me to enjoy this journey. Because just like Miss Shamcey, we both share this trait of being competitive.

“And sometimes, we tend to zone out. We just think about the competition and how much we wanted to win. But now, it’s about enjoying and flourishing those moments in which you can build connections to different people all over the globe.”

Samantala, kasama ni Rabiya sa Florida si Jonas Gaffud, ang creative director ng Miss Universe Philippines; si Jonas rin ng head ng Empire.PH at Mercator Artist & Model Management.

Nasa Florida rin si Olivia Quido-Co; sa pangalawang pagkakataon ay ang O Skincare And Spa ng Pinay businesswoman at beauty guru na si Olivia (kilala rin bilang Miss O)  ang official skincare sponsor ng Miss Universe Organization para sa pageant.

Unang nakipag-partner si Miss O sa Miss Universe noong 2019, kung saan si Miss South Africa Zozibini Tunzi ang nagwaging Miss Universe.

Sa May 16 (sa Amerika) at May 17 (dito sa Pilipinas), tiyak na tututok ang sambayanang Pilipino sa gaganaping 69th Miss Universe beauty pageant.

Mapapanood ito ng live sa A2Z Channel 11 (ng ABS-CBN) 8:00-11:00 am  mula sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, USA.

May replay sa araw ding iyon, 10:30 pm sa A2Z. 

Mapapanood din ang replays ng Miss Universe sa cable via Kapamilya Channel at online via iWantTFC sa Mayo 23, Linggo, 9:45 pm. 

May replays din ang Miss Universe sa Metro Channel sa Mayo 24 (12:00 nn at 10:00 pm), Mayo 26 (5:00 p.m.), at Mayo 29 (8:30 am).

Leave a comment