May 24, 2025
In-demand actress Janine Gutierrez plans to produce movie, asks TBA producers for tips
Latest Articles

In-demand actress Janine Gutierrez plans to produce movie, asks TBA producers for tips

May 15, 2021

Masaya ang mood sa ginanap na virtual thanksgiving ng TBA Studios para sa matagumpay na digital release ng must-watch movie of the year na Dito at Doon (Here and There).

Ang mga bida ritong sina Janine Gutierrez at JC Santos ay nagpahayag ng pasasalamat sa mga tumangkilik ng kanilang pelikula.

Wika ni JC, “Id just like to say that I’m truly grateful for TBA na since day one na pumasok kami sa set, hanggang ngayon, wala kayong ginawa kundi alagaan at pagkatiwalaan kami. 

“Ang lahat ng tao sa produksiyong ito, as in, gusto ko nang magpa-ampon levels, as in kunin nyo na po ako, hahaha!

“I always belive na parang you can never go wrong doing the right thing. And sobrang rare din naman ng mga ganitong prod house/company na kapag kasama mo sila, nakikita mo at nararamdaman mo na you know, that they are really doing the right thing.”

Aniya pa, “To think na binuo namin itong pelikulang ito sa gitna ng pandemya at maayos ang kinalabasan ng lahat. Kaya iyon, ang gaganda lagi ng mga produkto nila. So maraming-maraming salamat at gusto ko sana na makatrabaho ko pa kayo ulit. Lagi akong available for you guys.”

Pahayag naman ni Janine, “Ako rin po, sana po makagawa pa ulit sa TBA Studios, sobra po talaga kaming nag-enjoy ni JC and I honestly always have wanted to work with TBA talaga. As in, palagi akong nanonood ng pelikula sa Cinema 76, eversince.

“So to be able to do like a TBA film and for it to be this story Dito at Doon with Direk JP and JC and everyone from TBA, lalo na iyong naramdaman namin ang suporta ng press, lahat po ng reaction nyo at write up nyo tungkol sa pelikula namin, sobra-sobrang punong-puno po ang puso ko ng pasasalamat.

“So, thank you so much and we’re so happy na talagang sinamahan nyo kami sa journey na ito,” masayang saad pa ng tisay na Kapamilya aktres.

Ang pelikula ay mula sa pamamahala ni Direk JP Habac. Tampok din dito sina Yesh Burce, Victor Anastacio, Lotlot de Leon, at iba pa. 

Sa naturang event, nabanggit din ng anak nina Lotlot at Ramon Christopher na gusto niyang mag-produce ng pelikula sa hinaharap.

Esplika ni Janine, “Ako, gusto ko po talagang mag-produce, sinabi ko na iyan kay Daphne at saka kay Paulo (Chiu at Avelino, mga producer ng Dito at Doon), actually.

“So, noong nagsu-shooting pa lang kami ni Paulo noon (Ngayon Kaya), kinakausap ko na siya na gusto ko ring mag-produce, ganyan. 

“Then, noong nasa shoot din kami ng Dito at Doon, kinakausap ko sila (mga taga-TBA).

“Sobrang gusto ko talagang matutunan iyan, so mag-a-apply na po ako sa TBA, charot! Hahaha! But I really want to do that.”

Matagal pa ba ang balak niyang ito?

Pakli ng aktres, “Hopefully, like, maybe next year. Baka next year ay kaya na. We’ll see, we’ll see…”

Pahabol pa ni Janine, “Pero parang ganoon kasi iyong ginagawa nila, lalo na sa States. Na parang gustong-gusto ko iyong kuwento ni Reese Witherspoon, na wala siyang magustuhang script or wala siyang role na magustuhan, so nag-produce siya.

“So I think, marami ring opportunities sa atin dito sa Pilipinas na makagawa ng ganoon.”

Anyway, ang unang pandemic production ng TBA Studios na Dito at Doon ay maraming firsts, ito ang unang local film released sa panahon ng pandemic, ang unang na-release sa five major streaming platforms, ito ay extended due to public demand with a simultaneous international release.

Ang pelikula ay nakatanggap ng magandang reviews sa mga kritiko at sa publiko mula nang domestic online release nito noong March 31, at punuri ang galing dito nina Janine at JC. 

Ngayong buwan, ang pelikula ay naging available sa higit 60 countries, kabilang ang USA, Canada, at piling bansa sa Middle East at North Africa via TBA Play.

Ang TBA Play ay nakipagsosyo sa international distribution and sales company, TVCO upang dalhin ang TBA Play contents sa merkado sa Europe.

Ang Dito at Doon ay mayroong extended run sa KTX, Cinema ’76 @Home, iWantTFC, Ticket2Me, at Upstream. Para sa international audiences, ang Dito at Doon (Here and There) ay exclusive sa TBA Play para sa limitadong time sa USA, Canada, at piling territories sa Europe, Middle East, at North Africa. 

Para sa full list ng countries at updates on availability sa ibang regions, follow tba.ph and follow https://www.facebook.com/tbaplaymovies.

Leave a comment