May 24, 2025
Why Lovely Rivero feels lucky, grateful these days
Latest Articles

Why Lovely Rivero feels lucky, grateful these days

Jun 13, 2021

Bata pa lang nang sumabak sa showbizlandia si Lovely Rivero.

Una siyang napanood sa educational children’s TV show na Kaluskos Musmos at kinalaunan ay naging isa sa original members ng That’s Entertainment ni German Moreno.

Pagbabalik-tanaw ni Lovely, “Nag-start ako sa showbusiness when I was 9 years old, taong 1978 yata yun sa isang educational children’s show entitled Kaluskos Musmos sa RPN 9.

“Dito nakasama ko sina Maricel Soriano, Dranreb, Herbert Bautista, Maila Gumila at iba pa. Bale sila yung mga ka-contemporary ko as a child performer. Sa direksiyon ito ni Mr. Johnny Manahan.”

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Pero ang naging launching movie ko together with Jaclyn Jose, Karla Kahlua, Rachelle Ann Wolfe, and Tanya Gomez ay ang CHIKAS noong 1984. Then noong 1986, kinuha ako ni Kuya Germs para maging isa sa original members ng Thats Entertainment.”

Ilang dekada na rin siya sa showbiz at hanggang ngayon, bukod sa hindi nawawalan ng projects, tila pati kanyang ganda ay hindi rin kumukupas. 

Aminado si Lovely na sadyang passion niya ang pag-arte. Since siya’y TV host din, saan siya mas nag-eenjoy, as a TV host or as an actress?

Esplika niya, “Mahal na mahal ko ang propesyon ko bilang artista dahil ito talaga ang aking passion. Kaya ito rin ang aking priority, ang pagiging aktres. Pero ibang saya at fulfillment naman ang naibibigay ng pagiging host.

“Sa hosting, I believe that you have to be a good listener, first and foremost. Kasi, that’s the only way that you can interact well with your interviewee, kapag nakikinig ka sa istorya at sa sinasabi niya and if you are genuinely interested in people. At dahil gustong-gusto ko ang natututo ako sa experiences at sa wisdom ng ibang tao at sa mga nangyayari sa paligid at sa mga sitwasyon, hosting gives me that opportunity to be aware, to learn, to connect and to interact.”

Lately ay nagiging active ulit siya sa kanyang acting career, ano’ng reaksiyon niya rito?

Tugon niya, “Yes, talagang medyo mas active nga po ulit ako sa showbusiness and masaya naman ako sa nangyayaring ito dahil iba rin talaga kapag mahal mo at passion mo ang ginagawa mo, galing sa puso talaga at masaya ka na ginagawa ito.

“Kaya laking pasalamat ko sa Diyos at sa mga production and network companies na kumukuha at nagtitiwala sa akin bilang aktres at host. Thank you for the gift of work talaga. Siyempre nagpapasalamat din ako sa mga sumusuporta at nanonood.”

Ngayon ay napapanood si Lovely sa First Yaya ng GMA-7 na tinatampukan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez. Part din siya ng May Fantastic Pag-Ibig-Ganda Problems na may three episodes na nagsimula na noong June 5.

Mapapanood ang karugtong na episodes nito sa June 12 at 19 sa GTV every Saturday. Nakatakda rin siyang mag-taping para sa guesting sa MMK at may gagawing indie movie para sa isang American film production.

Aniya pa, “Then, may uumpisahan po akong online show sa K5 Digital Media entitled ‘Its a Lovely Day’ na tatalakay sa iba’t ibang mga paksa at timely issues. Patuloy pa rin po ang aking Lifestyle & Culinary Cable show entitled ‘A Taste of Love’ na ipinalalabas from Monday to Friday at 4pm sa Pinoy Xtreme cable TV, produced by JEV Productions.

“Nasa third season na po kami now and excited na ako for our fourth season dahil makakasama ko po ang celebrity doctor na nakilala at hinahangaan ngayong pandemic, ang doctor po na nag-umpisang mag-push for Ivermectin as a treatment and prevention for Covid 19, none other than ang tinaguriang isa sa modern day heroes natin, the good and caring doctor, Dr. Allan Landrito.”

Pahabol pa ni Lovely, “Nag-guest nga rin pala ako sa movie ng buhay ni Mayor Isko Moreno, ang Yorme. Nakakatuwa dahil lahat halos ng members dati ng That’s Entertainment ay may cameo role sa movie na ito. I play naman the teacher of the teenage Isko Moreno.”

Nabanggit pa ng aktres/TV host na hangad niya lagi ang makagawa ng mga makabuluhang proyekto.

“Kaya talagang sobra-sobra ang pasasalamat ko… Pero siyempre sabi nga, we should never be overly content and complacent kasi ‘pag ganoon, nawawala yung drive mo to strive to be better or to do more.

“So kahit happy ako sa nangyayari sa career ko now, I still aspire for more meaningful projects,” masayang sambit pa niya.

Leave a comment