
Aiko Melendez to star in horror movie under Adolf Alix
After two years sa pagiging inactive sa paggawa ng pelikula, muling sasabak ang award-winning actress na si Aiko Melendez sa bagong movie.
Isa itong horror trilogy na pinamagatang Huwag Kang Lalabas na pamamahalaan ni Direk Adolf Alix jr.
Lahad ni Ms. Aiko, “Yes, may gagawin po akong movie. Bale three episodes siya. Ako sa isang episode, si Beauty (Gonzales) sa isang episode, and ‘yung isa ay hindi ko po alam pa (kung sino).”
Dagdag pa niya, “This is actually for Netflix release also, po.”
Parang matagal na siyang hindi gumagawa ng horror? Ano ang ginawa niyang last movie?
Esplika ng Kapuso actress, “My last horror movie was Pwera Usog po. Rainbow Sunset po ang last na ginawa kong movie.”
Aniya pa, “Malapit lang po (location) kaya pumayag also ako, hahahaha. And si kuya Dennis Evangelista kasi ang producer, I hardly say no to him po, eh.
“Plus request daw ako ni direk Adolf talaga, so I said yes na po.”
Nabanggit pa ni Ms. Aiko na sanay na siya sa lock-in taping dahil sa serye nilang Prima Donnas ay nakadalawa na siya noong kasagsagan ng Covid 19.
“I’m kinda used to lock-in set up po, kasi sa Prima Donnas ay nakadalawang cycle po ako, eh.
“Plus, magsisimula na rin po kami ng taping sa first week of August, iyon po mas matagal ang lock-in taping po,” wika pa ni Ms. Aiko hinggil sa Book-2 ng kanilang top-rating na teleserye sa GMA-7.
Pahabol pa ng aktres, “Vaccinated na po ako, so medyo nabawasan na ang takot ko, pero ingat pa rin po siyempre sa virus.”
Samantala, kinumpirma ni Ms. Aiko na muli siyang papalaot sa larangan ng politika sa susunod na eleksiyon. Tatakbong congressman ng District 5 si Ms. Aiko.

Ang premyadong aktres ay naglingkod bilang councilor ng Quezon City (District 2) sa loob ng nine years.
Sa ngayon ay maraming kumakausap sa aktres at ang boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun ang tatayong campaign manager niya.
“Iyong mga taong kumakausap sa akin mula sa Quezon City, si Vice Gov ang kinakausap more than me. Mga politiko rin from Quezon City, mga LGU’s.
“Hindi ba, supposedly naman talaga last election I was supposed to run? Kaya lang I had to stay with Vice Gov and since naman ngayon he has to be with me when I run.
“So, napag-usapan namin na since maraming taong nagkukumbinse sa akin to run and kahit naman noong wala pang pandemic I’m always behind the scene sa pagseserbisyo sa bayan. It was always being my first love kaya kino-consider ko talaga ang pagiging public servant,” esplika pa ni Ms. Aiko.