May 24, 2025
Goma, Lucy tell daughter’s suitors: Basta pumunta lang sa bahay
Latest Articles

Goma, Lucy tell daughter’s suitors: Basta pumunta lang sa bahay

Jun 24, 2021

BIHIRANG pagkakataon na humarap sa press sina Mayor Richard Gomez at Congresswoman Lucy Torres dahil siyempre’y sobra silang busy sa pagiging public servant.

But they took time to make tsikahan with some entertainment press kamakailan at malaya nilang sinagot ang lahat ng katanungang ibinato sa kanila.

How’s their life as couple on this pandemic?

Say ni Mayor Goma, “We talk. We really talk on things. There are couples na ‘di nag-uusap, but we do. We agree or disagree, our line of communication na-strengthen sa pandemya, pati kay Juliana.”

And speaking of Juliana, na isa nang napakagandang dalaga, paano nila hina-handle ang pagkakaroon nito ng mga manliligaw? Hinihigpitan ba nila ito, binabawalang tumanggap ng suitors?

“Iyong manliligaw ni Juliana, basta pumunta lang sa bahay. Mas maganda iyong ganoon, para nakikilala namin ang lalaki, nakikilala namin ang pagkatao nito,” say pa ni Mayor.

At dahil kapwa matagumpay na pulitiko sina Richard at Lucy, nakikita ba nila si Juliana bilang pulitiko in the future?

Sagot ni Congw. Lucy, “I am not the one to impose on her. Tulad sa pag-aartista, we never impose. Kung ano ang gusto niya. As parent, susuporta lang tayo sa gusto niya!”

Sagot naman ni Mayor Goma, “3rd year college na siya sa Public Administration. Akala ko, Masscom, dahil exposed siya sa showbiz.”

At kahit daw noon bata si Juliana, nakitaan na nila ito ng leadership quality. Nakita raw nila kung paano itong mag-asikaso sa mga tao, sa mga kaibigan nito. Protektor daw ito ng mga kaklase niya. At hindi raw ito nabu-bully dahil kahit malaki raw ay nilalabanan nito.

Ang payo ng mag-asawa if ever na dumating nga ang panahon na pasukin ni Juliana ang pulitika — “Kailangan, nasa puso niya talaga ang papasukin!”

Like them, nasa puso nina Mayor Goma at Congw. Lucy ang pagsisilbi sa bayan.

Naitanong kay Lucy kung totoo ang tsika na tatakbo siya sa mataas na puwesto sa 2022, specifically sa Senado.

“Noon pang 2016 and 2019, I was asked to run. Let’s see by October!” ani Lucy. Sa October kasi ang filing of candidacy.

Well, we see a positive outcome if she runs in the Senate.

And on another note naman, dahil pandemic at mas maraming oras sa bahay, wala raw bang nabuong bagong baby sa kanilang mag-asawa?

Say ni Congw, “Hindi siguro ukol. Saka ibang klase kasi ang stress ngayong pandemic!”

Sa usaping pag-aartista naman, mukhang matatagalan pa bago sila mapanood on tv or movies, lalo na si Richard na matagal nang hinahanap ng mga tagahanga. Aware naman si Lucy na hanggang ngayon ay grabe pa rin ang fan base ng tambalang Richard Gomez at Dawn Zulueta.

At ‘di raw nagselos kailanman si Lucy kay Dawn.

“I am a fan of Richard-Dawn loveteam. Their chemistry onscreen is magical. I am a movie fan even before I met Richard,” say ni Lucy.

Nang tanungin naman si Richard kung ano ang mga pinakapaboritong pelikula sa napakarami na niyang nagawa, aniya — Hihintayin Kita Sa Langit, Dahas, Minsan Minahal Kita at A Love Affair.

Leave a comment