May 24, 2025
What’s Joaquin, Cassy status?
Latest Articles

What’s Joaquin, Cassy status?

Jun 30, 2021

May lihim na relasyon na ba sina Cassy Legaspi at Joaquin “JD” Domagoso?

Magtatapos na kasi ngayong linggo kaya tinanong namin si Cassy kung ano ang pinaka mami-miss niya kay Joaquin.

“Well actually alam na ni JD ko, but well honestly I miss his presence.

“Kasi everytime after taping, he would always wait for me, and he would always ask, ‘Kumain ka na ba?’

“And he always carries my stuff, yung pang-taping ko. And of course I definitely miss that and I guess our, parang companionship, us just working together.

“Kaya when I saw him yesterday, we had taping, we had guesting, parang sabi ko, ‘Ay, na-miss ko talaga ‘to! Grabe!’

“So iyon.”

So bakit “JD ko” ang tawag ni Cassy kay Joaquin?

At nang usisain namin si Cassy tungkol dito, nagulat, namula at halos hindi makasagot ang dalaga!

“Ay! Sabi ko yun?! Oh my God!

“Sorry, sorry, nag-slip, nag-slip,” ang tila nahihiya at tawa nang tawang reaksyon ni Cassy.

Pilit pa rin naming pinag-explain si Cassy pero panay ang sagot niya ng, “Nag-slip lang, nag-slip lang po. Na-excite lang ako.”

“JD ko” ba talaga ang tawag niya kay Joaquin?

“Hindi po, hindi po. Sorry po, nag-slip lang po. Oh, my God!”

Tinanong namin si Joaquin kung ano ang masasabi niya tungkol dito.

“Kasi po, kasi po…I’m hers na nga,” ang sagot ni Joaquin habang natatawa.

Pag-amin na ba nila ito na may relasyon nga sila?

“Hindi po,” pagbawi ni Joaquin, “she just slipped, she just slipped,” sagot ni Joaquin habang nakangiti nang pagkatamis-tamis.

Well.

*****

Si Maxine Medina ay nanalong Binibining Pilipinas-Universe 2016; siya ang kinatawan ng bansa sa Miss Universe 2016 na ginanap sa Mall Of Asia Arena dito sa Pilipinas kung saan ang kinoronahan ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach ay si Iris Mittenaere ng France. 

Ano para kay Maxine ang mas fulfilling; ang maging beauty queen o ang maging isang artista?

“Naku, hindi ko masagot,” ang umpisang bulalas ni Maxine bilang reaksyon sa tanong namin. “Hindi ko alam.

“Pero sobrang saya ko ngayon. Like, I’m so happy, I’m full, my heart is full with my work now.

“Especially I’m surrounded by the people that I like the most.

“Sobrang happy ko po talaga,” bulalas ni Maxine.

At sa ngayon, ine-enjoy ni Maxine ang mundo ng showbiz, lalo na nga ang naging journey niya sa First Yaya, lalo pa nga raw at mabait at masipag ang mga direktor nila sa show, sina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

“Actually sila talaga yung nagli-lead sa amin especially ako dahil this is my first time to act as a kontrabida so yung anger, yung pagkainis, hindi ko talaga magawa iyon, e.

“Pero with the help of these directors sobrang ang galing talaga, nagawa ko nang maayos.”

Puring-puri nga si Maxine ng mga nabanggit na direktor.

“Coming from them, sobrang thankful po talaga ako na naibigay ko si Lorraine sa viewers.”

Bilang kontrabidang si Lorraine ang papel ni Maxine sa First Yaya; siya ang tinik sa pagitan nina Melody (Sanya Lopez) at Glenn (Gabby Concepcion) sa nabanggit na GMA toprating series.

Leave a comment