
Jennylyn Mercado considers best actress award as her best blessing in 2014; Wishes a love life ahead too
by Joe Barrameda
Tinanong ng Philipine Showbiz Republic (psr.ph) si Jennylyn Mercado kung ano ang maituturing niyang pinaka-best na nangyari sa kanya sa nagdaang 2014.
“Yung award, yung award!”
Nagwagi si Jennylyn, tulad ng alam na ng lahat, bilang Best Actress sa Metro Manila Film Festival noong December para sa pelikulang English Only, Please.
Wala naman raw siyang maituturing na worst o pangit na nangyari sa kanya nitong nakaraang taon.
“Kasi dumating si Rhodora X, tapos nag-start ako ng Second Chances, nagkaroon ako ng cooking show.
“Dire-diresto, e. Album, so wala, walang hindi maganda.”
Ngayong taon naman ito bilang pambungad ni Jennylyn bukod sa GMA drama series na Second Chances ay ang Valentine concert niya sa February 13 sa SM North Skydome na may titulong “Oo Na! Ako Na Mag-isa Samahan N’yo Naman Ako!”
Guests niya dito sina Derek Ramsay, G Force at mga sorpresang bisita.
Nasa kanya na ang lahat, lovelife na lamang ang kulang.
Wini-wish naman raw niya iyon.
“Siyempre inaabangan ko rin yan pero ayokong pilitin.”
Hindi raw nanliligaw ulit sa kanya si Dennis Trillo tulad ng kumakalat na balita.
“Hindi talaga.”
Kung manligaw ulit ito sa kanya?
“Hindi ko pa po alam.”
Magugulat ba siya kung sakali?
“Magugulat? Hindi ko pa alam kung ano ang magiging reaksyon ko pero sa ngayon, wala, hindi ko pa alam, e. Hindi ko pa po alam.”
Pero kaya ba niyang bigyan ng second chance si Dennis?
“E titingnan ko pa po. Check ko po schedule ko. Check ko po schedule ko,” ang tawa ng tawang reaksyon ni Jennylyn.
Ano naman ang reaksyon niya kapag may nagsasabing kung kailan siya nagkaedad at nagkaroon ng anak ay doon pa siya lalong gumanda at sumeksi?
“Ay salamat naman kung iyan ang tingin nila sa akin!
“Pero hindi, gusto ko lang na patunayan na hindi porke’t may anak ka na o di ba, na ang dami mo ng pinagdaanan sa buhay, hindi naman ibig sabihin nun papabayaan mo na ang sarili mo.
“So kailangan pa ring maging inspirasyon ka rin sa ibang mga kababaihan.”
Magkakaroon muli ng StarStruck this year at bilang pinakaunang female survivor ng naturang artista search ng GMA, ano ang maipapayo niya sa mga nangangarap maging artista na tulad niya noon?
“Ano lang, mahalin lang nila yung trabaho nila at tsaka yung craft nila talagang huwag silang tumigil mag-aral.
“Ganun lang.”
Follow me…