
Jao Mapa stars in new Yam Laranas movie
Nakakatuwa namang malaman na sunud-sunod ang dumarating na mga proyekto ngayon kay Jao Mapa sa kabila ng pandemic.
This year, una siyang sumabak sa sitcom na Puto na napapanood sa TV5. Ito’y pinagbibidahan nina Herbert Bautista at McCoy de Leon.
Hindi na bago kay Jao na gumawa ng sitcom, dahil nakagawa na rin siya before, ‘yung Palibhasa Lalaki, na ipinalabas sa ABS CBN 2.
Pero dahil matagal nang hindi gumagawa ng ganitong klase ng palabas, kaya aminado si Jao na noong simula ay medyo nangapa pa siya sa muling pagsabak sa comedy.
“Medyo nangangapa pa ako noong una, pero lumuwag noong tumagal-tagal, made me miss doing comedy for a long time. In the end I was proud of myself, I was able to shoot three episodes in one day and enjoyed and had lots of fun doing it,” sabi ni Jao sa isang interview sa kanya.
Bukod sa Puto, sabay-sabay din dumating ang movie offers kay Jao. Katatapos niya lang gawin ang pelikulang Kung Hindi Man. Siya ang gumaganap na leading man ni Rhen Escaño. Ito ay mula sa direksyon ni Direk Yam Laranas.
“I play Peter, whose fiance is Giselle, played by Gwen Garci. I get into an affair with Mia, Rhen’s character,” kwento n’ya.
Natutuwa si Jao dahil siya ang lead actor sa pelikula.
“Matagal na akong gumagawa ng mga father and supporting roles. Kaya never ko nang inisip na makakagawa pa ako ng pelikula na ako ang leading man lalupa’t alam naman natin na marami na ang mga bagong sibol na young actors ngayon.”
Nagpa-sexy ba siya sa pelikulang ito o sumabak sa daring scene?
“Well, ang masasabi ko lang, ‘yung karakter ko ay natukso kay Mia, pero si Peter pa ang nagpupumiglas at nagsasabi na mali lahat ng ginagawa nila,” sagot ng aktor.
Dagdag pa ni Jao, “Iyong sa amin ni Rhen na movie ay tapos na, currently at the final phase na ito. Bale, sometime September ang release ng pelikulang Kung Hindi Man, only at Viva Max.
Ayon pa kay Jao, ang next na gagawin niyang pelikula ay ang Mohammed na ang simula ng shooting ay next month. Ito’y pamamahalaan ni Direk Errol Ropero.
Bukod sa dalawang pelikulang nabanggit, mapapanood din very soon si Jao sa historical movie na Balangiga 1901.
Ito ay tinatampukan nina Ejay Falcon, Jason Abalos, Richard Quan, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo, Rob Sy, Jeffrey Santos, Ramon Christopher, Emilio Garcia, at iba pa.
O ‘di ba, hataw ang career ngayon ni Jao?