
Ricky Davao praises Glaiza: Napakahusay n’yang artista!
NA-MISS nang sobra ng mga tagahanga si Glaiza de Castro kaya’t trailer pa lang ng latest teleserye nitong ‘Nagbabagang Luha’ ay milyon na agad ang views.
And this is understandable. Lahat naman talaga ng show ni Glaiza ay hit, at laging she is at her best sa kanyang performance.
‘Nagbabagang Luha’ is obviously a remake of the 80’s hit movie na pinagbidahan nina Lorna Tolentino and Alice Dixson.
And according to one of its directors, Ricky Davao, sinunod nila ang orihinal na istorya, walang binago sa names ng characters, only ay pinalawig lang nila ito to make it bigger on scope dahil from a 2-hour movie ay isa na itong teleserye.
And what does direk Ricky say about Glaiza?
“Napakahusay niyang artista, as always!”
There is no question about that. Pruweba riyan ang mga tropeo ng karangalan ni Glaiza mula sa mahuhusay niyang pagganap sa mga proyekto.
In fact, kung iisipin nga, nakahihigit siya sa mga prime leading ladies ng Kapuso kung award din lang ang pag-uusapan.
Bukod pa roon that she is a versatile one, she sings, composes songs, dances, all around.
Wala ka nang hahanapin pa, she is packaged with talents na bihira sa ibang aktres.
Say nga ng ilang fans na nakausap namin, “Sana, alagaan nang husto ng GMA si Glaiza, bigyan siya ng malalaking project, pabonggahin ang promo ng bawat show, at dapat ay sa primetime siya ilagay!”
But nevertheless, positive naman ang mga tagahanga ni Glaiza na kahit saang oras ipalabas ang ‘Nagbabagang Luha,’ it will draw viewers dahil hindi lang na-miss siya ng mga ito kungdi anila ay sabik din ang manonood sa mga tunay na mahuhusay na artista
‘Nagbabagang Luha’ premieres on August 2, and it also stars Rayver Cruz, Mike Tan, and from the direction of Gina Alajar and Ricky Davao.