May 24, 2025
Back to focusing myself—Alma Concepcion
Latest Articles

Back to focusing myself—Alma Concepcion

Jan 7, 2022

Sa nalalapit na pagtatapos sa kolehiyo ng unico hijo ni Alma Concepcion na si Cobie, aminadong mas may time na siya sa pagiging active sa showbiz, pati na sa kanyang patuloy na lumalagong Beautederm store.

Panimula ng magandang aktres, “Mas simple na ang plano ko for this year, siguro nagme-mellow down na.

“By December kasi ay magga-graduate na si Cobie, so kaunting push na lang. Mayroon na rin siyang nahanap na work doon, kaya talagang he will spread his wings na.”

Pagpapatuloy pa ni Ms. Alma, “So sa parenting aspect, guide-guide na lang, di tulad noong bata pa siya na 24/7 tutok sa paghatid-sundo, assignments, etc.

“Excited na rin ako sa chapter na ito ng buhay ko, kasi masasabi ko na may mababawasang stress at back to focusing on myself naman… mas focus na sa Beautederm store ko at sa pagiging active sa showbiz din.”

Nabanggit din ng aktres at former beauty queen ang pinagkaka-abalahan niyang showbiz projects ngayon.

“Before Christmas, tinapos namin ang False Positive, GMA mini-serye ito at sa January 15 naman ay maglo-lock in taping kami ng two months for Lolong.”

Ang Lolong ang seryeng pagbibidahan ni Ruru Madrid. Ang ilan pa sa magiging bahagi rin ng serye ay sina Shaira Diaz, Arra San Agustin, Christopher de Leon, Jean Garcia, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Bembol Roco, Malou de Guzman, at iba pa.

Hinggil naman sa new products ng Beautederm na Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters, nagpasalamat siya sa Beautederm CEO at President nitong si Ms. Rhea Anicoche Tan. 

Aniya, “Excited naman ako sa non stop innovation ng Beautederm Corporation, nagsimula sa pagpapaganda ng panlabas/skin at tuloy na rin sa health & wellness.

“Saktong-sakto ang mga made in Japan na products nito na Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters for energy, immunity & sleep/relaxation na lahat ay importante sa ating buhay.”

Esplika pa niya, “Kaya walang sawang pasasalamat namin sa aming CEO Rhea Tan, sa non-stop innovation and ang sarap talagang mapasama sa kompanyang naggo-grow!

“She always surprises us ng mga ganitong pasabog at marami naman ang nabibiyayaan ng kanyang genius mind,” masayang sambit pa ni Ms. Alma.

Ang Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters ay binubuo ng pitong FDA-compliant at all-natural health supplements na kinabibilangan ng Kenzen Z Plus (Immunity Booster); Kenzen MeMax (Memory Booster), Kenzen VivaGen (Energy Booster); Reiko PrestoSol (Sun Protection Enhancer); Reiko Fitox (Digestion Enhancer); Reiko Slimaxine (Diet Enhancer); at Reiko SomNest (Sleep Enhancer) na puwede sa kabataan at adults na edad 18 years old pataas.

Leave a comment