May 22, 2025
Sexier Janice de Belen; “Wow!”, an amazed expression from presscon attendees
Latest Articles T.V.

Sexier Janice de Belen; “Wow!”, an amazed expression from presscon attendees

Jan 14, 2015

Antazo PSR pic

by Mary Rose G. Antazo

New look and a sexier Janice de Belen ang dumating sa press launch ng bagong drama series ng ABS-CBN na “Oh My G!” na pinagbibidahan ng singer-actress na si Janella Salvador, Marlo Mortel at Manolo Pedrosa. Sporting a short haircut na bumagay sa kanya and a slim and fit actress, napa-wow ang lahat nang makita si Janice. After the presscon proper ay na-corner namin ang magaling na aktres at tinanong kung ano ang kanyang sikreto sa magandang pangangatawan ngayon.

“Nakaka-conscious naman kayo, actually, wala naman akong sikreto. Medyo nagbawas lang ako ng junk food and rice. And noong naglipat kami ng house, napagod siguro ako kakabuhat ng mga boxes ng gamit namin,” pagkukuwento pa ni Janice.

“Hindi naman talaga ako nag-diet. I gave up junk food, I try to away from rice. Sometimes it does not succeed. Exercise diyan ako mahina. And also, stressful ang mag move ng house, so talaga yun naging start, buhat ka ng gamit, ligpit kaya tuloy tuloy ko na.”

Dagdag pa nito, “We’re not getting any younger and it’s about time to have a healthy lifestyle talaga, I must say. I’m really happy that this is the start of something new for me especially as we open the year 2015.”
2
Sabi pa namin sa kanya na baka dahil sa kanyang new look at pagiging blooming ay magkaroon na siya ng panibagong love life, ng kanyang magiging partner for life ‘ika nga.

Sey ni Janice, “Tinanggap ko na ‘yon, sa puntong ito, na baka hindi para sa akin ang magkaroon ng partner. Baka hindi ako para sa ganoon.”

Samantala, sa pinakabagong-feel good teleseryeng Oh My G! na magtuturo ng kahalagahan ng pananalig sa Diyos, masaya si Janice na nakasama siya dito dahil gaya ng role niya dito siya rin ay ina ng mga dalagang anak. Tinatalakay dito ang mga issues ng kabataan, social medial, family values at ang connection kay God ng mga teens.

Suki na nga ng mga teleserye ng Kapamilya network si Janice at masasabing lahat ng ginagawa niya ay nagmamarka gaya ng Budoy, Honesto at ito ngang Oh My G ngayon.
10934611_10153013371581753_842138581_nMakakasama rin nina Janella at Janice sa teleseryeng ito sina Sunnshine Cruz, Dominic Ochoa, John Arcilla, Edgar Allan Guzman. Kasama rin sina Eric Quizon at Marica Reyes para sa espesyal na partisipasyon. Ito ay sa ilalim ng direksiyon ni Roni Velasco. Mapapanood ito simula January 19, Lunes bago mag- It’s Showtime.

Kaya nga tanong sa kanya ng press ay kung ano ang advice niya sa kanyang mga anak na gaya ni Janella ay mga bagets na rin.

“Ano ba ang dapat kailangang gawin ng mga magulang, especially nowadays?

“Kung dati ang ang kalaban mo lang, kaibigan, barkada; ngayon, kalaban mo, social media, Internet.

“Maraming kalaban. So, it’s not that simple.

“So, this is somehow parents should deal with… so very now,” pahayag ni Janice sa presscon.

Ang bidang si Janella ay inaming hindi pa siya nagpapaligaw dahil 16 years old pa lamang siya at priority na muna niya ngayon ang kanyang career. Pero si Janice ay tinanong namin kung ano ang kanyang reaction at advice sa mga anak na eventually ay magkakaroon na rin ng romantic relationship dahil mga dalaga na ito ngayon.

“Oo naman, maliligawan at siguradong magkakaroon sila ng romantic relationship in due time. Wala naman akong magagawa. Hindi ko naman sila maaawat.

“Hindi nga ako naawat ng mga magulang ko, ako pa ba ang aawat sa mga anak ko?

“Parang wala naman akong credibility sa puntong ‘yun.

“Basta, sinasabi ko lang na, mag-ingat. Kailangan huwag ibigay lahat,” prangkang pahayag pa nito.

Follow me…

social networkingMary Rose G. Antazo
@maryroseantazo
/ballot9

Leave a comment

Leave a Reply