May 22, 2025
Producer Marc Cubales, director Jay Altarejos finding controversial daddy blake; cast to be revealed
Latest Articles

Producer Marc Cubales, director Jay Altarejos finding controversial daddy blake; cast to be revealed

Jan 26, 2022

Hindi lang isang artista, model, entrepreneur, at philanthropist ngayon si Marc Cubales kundi isa na rin siyang movie producer, na matagal na rin naman niyang pinapangarap.

Ang unang movie na ipo-produce niya ay may working title na Finding Daddy Blake, na ang magiging direktor ay si Direk Jay Altarejos. Isa itong BL film.

Nu’ng nakilala niya si Direk Jay, at may ipinabasa ito sa kanyang script ay nagustuhan niya ito agad.

Ito nga ‘yung Finding Daddy Blake. 

Para kay Marc, ito ang klase ng pelikulang gusto niyang gawin.

Pasok kasi ito sa hinahanap niya na istorya ng isang BL fillm.

Sabi ni Marc nang makausap namin siya sa intimate presscon na ipinatawag niya, “Ang gusto ko, not just a normal BL story, ‘yung may twist, may scandalous or whatever.

“Tama na ‘yung kissing-kissing, masyadong love story, nagka-inlove-an, ganyan.

“I level-up natin. BL story, pero iba ‘yung dating. ‘Yung magugulat ‘yung mga tao. Ba’t ganyan, ba’t ganoon?

“Then I met Direk Jay. Pagkaupong-pagkaupo, sabi niya, ‘o eto nga may isa pa akong film, ‘yung ganyan.

“I fell in love with the story. I like it, sabi ko.

“When the movie industry is quiet, gumawa na rin tayo ng movie..at least kahit paano, to support it.

“At the same time ipakita natin na susubok tayo, gagawa tayo ng challenging film. So, ayun.”

Gustung-gusto na ni Marc na simulan ang shooting ng nasabing pelikula. At ganundin naman si Direk Jay.

Producer Marc Cubales

“Si Direk napaka-eager, and napakabilis umaksyon. Na talagang pinipilit ko na eto ‘yung time line. I-push pa natin kung pwede pang agahan. Kung pwedeng gawin na bukas, gawin na natin.

“Kung pwedeng..we have to pay this, we have to do that. Para ahead of ano,di ba?

“Kasi ang gusto ko sana, matapos ‘yung film as soon as possible.”

Plano ni Marc na simulan ang shooting pagkatapos ng kanyang birthday sa February 4.

Magkakaroon ng audition para sa gaganap na mga bida sa Finding Daddy Blake.

Natutuwa si Marc na may mga ideas o input siya sa pelikula na tinanggap/sinang-ayunan ni Direk Jay.

May mga gusto o napipisil ba siya na gusto niyang isama sa  unang pelikula na ipo-produce niya?

“Ako, ‘yung personal choice ko would be, definitely, like what I told kay Direk Jay, ‘yung mga upcoming stars ngayon, like Gold Azeron, napakagaling niya.

“And then that Carlo Dala, isa pa ‘yun. Kasi ‘yung face din naman, napaka-innocent.

“Saka ang galing niya ru’n sa role niya sa napanood ko sa Netflix.”

Leave a comment