May 23, 2025
“I am indebted with TV5 for their understanding that my transfer to ABS-CBN is a career move.”- Edgar Allan Guzman as he stars in ABS-CBN’s “Oh My G!”
Latest Articles T.V.

“I am indebted with TV5 for their understanding that my transfer to ABS-CBN is a career move.”- Edgar Allan Guzman as he stars in ABS-CBN’s “Oh My G!”

Jan 15, 2015

john@fontanilla

by John Fontanilla

eab2033b3Tuluyan na ngang nilisan ni Edgar Allan Guzman ang kanyang home studio ng apat na taon upang subukan ang mga bagong oportunidad sa ABS-CBN. Ito raw ang napagdesisyunan niya at ng kanyang manager na si Noel Ferrer. Ang nasabing paglipat sa Kapamilya network ay on a per show contract, simula last year.

Ikinuwento ni Edgar Allan sa presscon ng “Oh My G!” na kung saan siya ay kabilang na, “Nung lumipat ako, nag-decide ako, sabi ko, ‘Simula tayo from scratch.

“Ako na mismo, as an actor, gusto kong i-try yung iba, kakaiba naman.

“So, nakita ko na sa ABS-CBN network, puwede pang ilabas yung talent ko na hindi ko pa naipapakita noon sa TV5.

“Nagpaalam naman kami nang maayos, si Sir Noel ang nakipag-usap.

“So, ako, yung growth ko as an actor ang inisip ko, ang mas nauna.

“Mas masarap sa pakiramdam ko, para mas maging successful ako sa career ko.

“Bilang aktor, gusto ko rin ng teleserye at magkaroon ako ng award sa TV.

“Pangarap ko yun, kaya gusto ko ngayon sa ABS-CBN.”

Masaya daw si Edgar Allan dahil may soap na siya sa ABS-CBN. Ginagampanan nito ang role bilang nakakatandang kapatid ni Marlo Mortel, “Happy ako kasi may everyday soap na ako, yun naman kasi ang gusto ko.

“Big brother ako dito ni Marlo Mortel at anak ni Ms Janice de Belen.

Sa pagtatapos ni Edgar Allan ay binanggit nya na ang pagiging Kapamilya nya ay, “makakapagpasaya, makakapagbigay, at makakapagpatupad ng iba pang mga pangarap ko.”

Follow me…

social networkingJohn Fontanilla
iamjohnf

Leave a comment

Leave a Reply