
Marjorie posts sentiments to those who judge her as a mother
by Mildred Amistad Bacud
Kinumpirma na nga ni Dennis Padilla ang pag-isnab ng sariling anak ng magkita sila sa party ng Dreamscape, TV unit ng Kapamilya network last December. Nalungkot daw ito pero bilang magulang ay pinipilit na lamang niyang unawain ang anak.
Marami naman ang nakisimpatya sa aktor at binabatikos hanggang ngayon si Julia. Una ng naging malaking isyu ang pagpapapalit ng apelyido ng young actress mula Baldivia na totoong apelyido ni Dennis sa Barretto na apelyido ni Marjorie.
Sa lahat ng ito ay si Julia ang higit na pinupuna. Bilang ina ay nasasaktan naman daw si Marjorie dahil siya ang binabalikan sa isyung ito kaya naman hindi niya napigilang magbahagi ng saloobin sa kanyang Instagram account.
“ Here’s to strong women. May we know them, may we be them, may we raise them.
“In my lifetime I have been called many things and many names…most of the time people who have never met me nor have been part of any of my life battles. They were never part of my journey. But no one, without knowing me first, can question how I am as a mother.”
Sabi pa niya hindi man daw siya naging perpektong ina ay ginawa naman daw niya ang lahat para mapalaki ng maayos ang mga anak sa kabila ng mga pinagdaanan.
“I am not a perfect parent and it’s impossible to raise perfect children. But at least I can proudly say pinalaki ko ang mga anak ko, hindi ko sila pinabayaan kahit kalian. Kahit nahihirapan na ako, kahit marami akong ibang problema, kahit may sakit ako, kahit wala akong pera, kahit wala akong katuwang, kahit sa anong panahon… I never stopped being a parent.”
Bilang panghuli ay sinabi niyang may dalawang bersyon ang kuwento but in the end God will be the judge of truth.
“There are always two sides of a story. To those who continually judge me and my children, God bless you all. You are very lucky you didn’t endure what my children and I had to. But a mother hurts so much more when her child is hurting. It is painful. I can only pray for strength every day for me and all my children. There is a big difference between the TRUTH and his story. Let God be the judge of that.”
Follow me…
Mildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud