May 23, 2025
Jaycee Parker expresses desire to do character roles
Latest Articles Uncategorized

Jaycee Parker expresses desire to do character roles

Jan 17, 2015

by Rodel Fernando

jayceeparker copy Marami ang nakakapansin na tila hindi masyadong aktibo ngayon sa kanyang movie at TV career ang sexy actress na si Jaycee Parker. Sabi tuloy ng ibang tao, baka tuluyan na niyang iwan ang showbiz dahil sa pagiging inactive niya. Pero nang makausap ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) ang seksing bituin sa isang event sa Cotobato City ay kanyang sinabi na hindi naman siya nawala. Ang dahilan pala ay nililimitahan na niya ang pagtanggap ng mga sexy roles.

“Gusto ko namang maiba na yung ginagawa ko. Hindi naman sa ayaw ko kaya lang napagdaanan ko na rin naman ang ganun [pagpapa-sexy]. Gusto ko namang gumawa ng mga character roles,” aniya.

Kung sa pag-arte ang pag- uusapan, masasabing magaling naman si Jaycee dahil minsan na siyang napansin ng mga award giving body at nanalo pa nga siya ng award sa Golden Screen ng Enpress bilang Breakthrough Performance by An Actress sa pelikulang “Ilusyon” ng Viva Films. Bukod pa dito ang mga sangkaterbang nominasyon sa nasabi ring pelikula.

Sa ngayon ay abala siya sa mga out of town shows niya at sa kanyang business. Inaayos naman ng Viva Artist Management ang kanyang mga proyekto at sigurado na ngayong 2015 ay muli na namang masisilayan sa TV at higanteng telon ang kanyang husay at galing sa pagganap.

Follow me…

social networkingRodel Ocampo
@rodeliciousdel
/rodelfernando

Leave a comment

Leave a Reply