
Rosmar Skin Essentials CEO dominates skincare industry
WALANG endorser ang Rosmar Skin Essentials na ang CEO ay si Rosemarie Tan. Dahil sikat s’ya sa social media at laging viral, nakakatulong ito para makilala ang kanyang skincare brand.
Mayroon lang naman siyang 13 million followers sa TikTok at 600k followers sa Instagram. Kaya hindi na nga niya kailangan pa ng endorser.
Pero kung sakaling kukuha si Rosmar ng endorser, sino ang naiisip o gusto niya?
“Kung ako ang tatanungin, siyempre ang childhood crush ko na si Dingdong Dantes,” natatawang sabi ni Rosmar.
Ang Rosmar Skin Essentials ay hindi lang skincare brand para sa mga babae kundi pwede rin ito sa mga lalaki. Kaya naisip ni Rosmar si Dingdong. And infairness naman sa aktor ay bukod sa gwapo ay may maganda siyang kutis. Kaya fit siyang maging endorser ng Rosmar Skin Essentials.

Nakita na ni Rosmar ng personal si Dingdong.
“Noong bata pa ako, 4 years old ako, may tour sa Lucena si Dingdong. Nanood ako tapos noong nakita niya ako, binuhat niya ako,” pagbabalik-tanaw ni Rosmar.
“Tapos noong sumali ang kapatid ko sa Philippine Youth, nandoon s Dingdong, nakita ko ulit siya.”
Dahil sa kanyang Rosmar Skin Essentials, sa dami ng tumatangkilik ng mga produkto nito, kaya naman naging milyonarya agad si Rosmar sa edad na 28.
Pero siyempre kasama na rin doon ang kanyang pagsisikap.

Sa kanyang TikTok ay nagla-live selling si Rosmar, na minsan ay umaabot sa 20 million pesos na sales sa 3 oras na live.
O, di ba bongga?
Laking pasasalamat na rin ni Rosmar sa kanyang pamilya, supporters, at maging sa kanyang bashers.