May 24, 2025
Jake receives high praise from film critics
Latest Articles

Jake receives high praise from film critics

Dec 24, 2022

Kaabang-abang ang pelikulang My Father, Myself, official entry sa 2022 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

Ito ang latest na obra ng award-winning director na si Joel Lamangan. Tampok dito sina Jake Cuenca, Dimples Romana, Tiffany Grey, at Sean de Guzman.

Si Jake ay si Robert, isang human rights lawyer na closet gay, na magkakaroon ng relasyon sa ampon niyang si Matthew (Sean) na anak ng dati niyang lover.

Mas naging masalimuot ang takbo ng kuwento ng pelikula na tinatawag din na DL or Different Love story, dahil si Matthew ay mabubuntis naman ang anak ni Robert na si Mica (Tiffany).

Habang nangyayari ang lahat ng ito, si Amanda (Dimples) naman ay tahimik lang pala na kinikimkim ang mga bigat sa puso niya nang mga kaganapang ito, pero alam niya na isang closet gay ang lalaking minahal at pinakasalan niya.

Hindi lang ang matitinding laplapan nina Jake at Sean, pati na ang mainit na love scene nina Sean at Tiffany ang aabangan sa movie, kundi ang magagaling na acting ng mga arista rito.

Sa premiere night nito ay most applauded ang confrontation scene nina Jake at Dimples, na ipinamukha ng huli na alam niyang bakla ang mister niya, ngunit dahil mahal niya ito, kaya nagbulag-bulagan siya. Pero nang maging karibal ni Robert ang anak na si Mica, sa ampon nilang si Matthew, dito na sumabog na parang bulkan si Amanda.   

Dito pa lang sa eksenang ito, marami ang nagsasabi na contender na para sa awards sa MMFF sina Dimples at Jake. Actually, maraming predictions na hahakot ng awards ang pelikula sa Dec. 27 MMFF awards night.

Sina Sean at Mica naman ay hindi rin nagpahuli sa pagpapakita ng matinding performance rito.

Incidentally, sa malupet na confrontation scene nina Jake at Dimples, makikitang may dugo ang bibig ni Jake, dahil sa tindi ng sampal sa kanya ni Dimples.

Nang natapos ang premiere night ay kitang-kita na walang pagsidlan nang tuwa ang cast sa mga papuri at palakpakan na natanggap nila sa manonood that night.

Wika ni Jake, “I just wanna say thank you so much. Thank you so much kasi sabi ko nga this movie is a very brave movie and thank you so much for riding this roller coaster ride with us. Sabi ko, you know, fortune favors the brave eh. For us artist, hindi dapat tayo nagpapapigil.”

“We should always allow ourselves to express our arts. So, nakita ninyo naman with Direk Joel Lamangan’s piece… so thank you so much, Please post about it, please help us promote it. Wala kami sa SM, so please help us promote it. We need your help. Thank you so much. Thank you everyone for coming here tonight. Thank you.”

Walang sinehan na showing ang My Father, Myself sa SM dahil  ito ay nakakuha ng R-18 na rating sa MTRCB. Ito ag tanging pelikulang kalahok sa MMFF na may R-18 rating.

Ang My Father, Myself ay mula sa panulat ni Quinn Carrillo at under ng 3:16 Media Network ni Ms. Len Carrillo at Mentorque Productions ni Bryan Dy. Kabilang din sa producers ng pelikula sina Win Salgado, Jumerlito P. Corpuz, at Nicanor C. Abad.

Kasama rin sa pelikula sina Alan Paule, Jim Pebanco, AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza at Joseph San Jose.

Leave a comment