
Power couple Whamonette meets Rep. Geraldine Roman
Nanawagan siya at narinig naman.
“Gusto kitang maging kumare, bilang ninang ng ipapanganak pa lang na anak ko,” panawagan ni Whamos, katuwang ni Anjanette sa kanilang joint social media vlog na Whamonette.
Matagal na palang sinusundan ng mag-asawa ang mga post ni Bataan District 1 Representative Geraldine Roman.
“Gustung-gusto ko ang mga sinasabi niya, pati na ang mga payong ibinibigay niya,” natutuwang inilahad ni Whamos sa kanilang malaganap na vlog.
Ipinakiusap pa niya sa kanyang followers na i-tag si Cong Geraldine upang makarating dito ang kanyang panawagan.
Nakarating nga at dininig naman ni Cong Geraldine ang hiling ng mag-asawa. Naganap ang kanilang masayang pagtatagpo at ito naman ang kwentong hatid sa atin ni Rep. Roman sa kanyang You Tube vlog, Geraldine Romantik. Mapapanood ito sa Mierkules, Enero 4, 7 p.m.
Abangan kung paano sila naging mag-kumare at kumpare sa isang masaganang bagong taon.