May 23, 2025
Arnell Ignacio, now back in the limelight as he co-hosts public service program in TV5’s “Solved na Solved”
Latest Articles

Arnell Ignacio, now back in the limelight as he co-hosts public service program in TV5’s “Solved na Solved”

Jan 18, 2015

john@fontanilla

by John Fontanilla

solved-na-solved-e1421284328390

Balik hosting ang actor/singer/businessman/host/producer na si Arnell Ignacio via Solved na Solved kasama ang kaibigan na si Gelli De Belen sa TV5.

Tsika nga nito ng makausap ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) sa mismong press launching ng mga show ng TV5 kamakaikan na, “Namimiss ko talaga yung hosting, ilang taon din akong nabakante.

“Kaya nga very thankful ako sa TV5 at kay Ma’am Wilma at isinama ako sa bagong public service program na “Solved na Solved”.

“Kaya balik hosting na naman ako, pero this time pang public service naman ako ha ha ha.

“Akala ko nga pang acting na lang ako, kasi nalilinya na ako sa pag-arte sa pelikula at stage.

“And take note ha! Nag-acting workshop pa ako , at mga taga Hollywood ang nag-facilitate, bongga di ba.

“Pero iba pa rin ang hosting , yun talaga yung namiss ko.

“Nami-miss ko rin nung nagsisimula pa ako bilang host kasama si Ai Ai (de las Alas) yung dire-direcho lang, nakaka-miss yun.

“Yung talk show na tawanan lang kayo ng tawanan masaya yun, yun talaga yung namimiss ko.

“Ngayon kasi iba na sobrang laki ng pagbabago, di tulad noon fun lang, masaya yung trabaho.

Gusto rin daw ni Arnell na makabalik sa pagho-host sa radio, “Isa pang name-miss ko yung radio, sobrang name-miss ko ng mag-radio.

“Yung last radio program ko kasi madaling araw ako inilagay, hindi naman ako expert sa pagsasaka at bakit pang madaling araw ang slot na binibigay sa akin ha ha ha.

“Iniwan ko na kasi di ko talaga kaya ang madaling araw na programa, ang tagal na nu’n.

“Wait na lang ako ulit pag may mag-aalok ng mas maagang radio program.

“Gusto ko yung medyo maaga naman o tanghali o kaya gabi, ‘wag lang madaling araw na tulog na ang lahat at abutin ako ng pagtilaok ng manok ha ha ha.”

“No kidding aside, anytime basta ‘wag lang madaling araw”, pagtatapos ni Arnel.

Follow me…

social networkingJohn Fontanilla
iamjohnf

Leave a comment

Leave a Reply