
SPOTTED: ‘Maria Clara at Ibarra’ characters star in new Ben&Ben MV
Lalo pang naging inspiring at tagos sa puso ang mga eksena sa “Maria Clara at Ibarra” matapos itong gamitin sa music video ng Ben&Ben single na “Kayumanggi.”
Mapapanood sa nasabing music video ang ilan sa mga pinakatumatak na eksena ng mga karakter sa “Maria Clara at Ibarra.” Swak na swak din ang awitin ng Ben&Ben na tungkol sa pagmamahal sa bansa at pagtanggap sa katangian ng mga Pinoy.
Puring-puri ito ng netizens at may ilan pang nagkomento ng “GMA, sana makagawa pa po kayo ng historical dramas na gaya nito. Ang sarap panoorin at maraming kapupulutang aral. Hindi ko alam kung maiiyak ako o mai-in-love sa kanta. Thank you Ben&Ben at GMA Network sa isang napakagandang obra na ito.”
Una rito, pinuri ng isa sa mga vocalist at guitarist ng Ben&Ben na si Paolo Benjamin ang naturang primetime masterpiece. Ayon sa kanyang tweet, “#MariaClaraAtIbarra is such a groundbreaking show. Kudos to everyone involved!”
Maaaring mapanood ang nasabing music video sa social media accounts ng GMA Network at GMA Pinoy TV.
Huwag na huwag ding palalampasin ang huling limang gabi ng “Maria Clara at Ibarra” Lunes hanggang Biyernes, 8PM sa GMA Telebabad at 9:40PM sa GTV.