May 22, 2025
Expect a different Piolo Pascual — Mallari producer
Latest Articles

Expect a different Piolo Pascual — Mallari producer

Oct 8, 2023

Si Piolo Pascual ang first and only choice ng producer ng pelikulang ‘Mallari’ na si Bryan Dy ng Mentorque Productions.

Ayon kay Sir Bryan, nang ipinitch ang project sa kanya ay nagustuhan niya agad ito at ang pumasok agad sa isip niya para gumanap na Father Juan Severino Mallari ay si Piolo.

Initially ay tumanggi raw si Piolo sa project dahil ayaw daw magtrabaho nito kapag December, plus sobrang busy talaga ng aktor. Pero hindi raw ito sinukuan ng produ ng Mallari.

“Hindi naman kami nag-give-up, ako personally kasi I really think na he fits the role. Maraming inilista na mga aktor, pero kapag iniisip namin, si Piolo talaga. Siguro kung hindi niya tinanggap ito ay hindi ko rin gagawin, kasi ayaw ko namang ipilit,” sambit ni Sir Bryan.

Ang pelikula ay inspired by true events ng Filipino priest mula Pampanga. Dark ang pelikula at kaabang-abang ito sa mga sinehan. Parang Hollywood film ito, kaya hindi dapat palagpasin kapag ipinalabas na.

Nai-submit ang Mallari sa darating na MMFF 2023 at wish namin na makapasok ito para mas maraming magagandang choices ang moviegoers at maging star-studded ang mga entry sa inaabangang annual December filmfest.

Incidentally, labas na ang teaser ng pelikula at nag-trending ito dahil kakaibang horror film talaga ang Mallari. Bukod sa first time pa lang gaganap sa ganitong genre ang bida ritong si Piolo, teaser pa lang nito ay kakalabog ang dibdib at tatayo ang balahibo ng mga manonood.

Actually, kahit patikim o teasar pa lang, nakakabilib ang pelikulang pinamahalaan ni Direk Derick Cabrido, na mula sa panulat ni Enrico Santos. At ang narinig naming karamihan sa feedback, nakakakilabot ang pelikulang Mallari kahit teaser pa lang ito at kaabang-abang ang pelikula.

Bigatin ang cast ng Mallari, kasama ni Piolo sa pelikula sina Ms. Gloria Diaz, JC Santos, Janella Salvador, Elisse Joson, at may special participation dito si Mylene Dizon.

Bukod sa magagaling na acting ng cast, impressive ang technical side ng pelikula, like ang cinematography at production design. Pati musical scoring, patok din. Nakatulong talaga ito para ma-achieve ang isang nakakatakot at nakakakilabot na pelikula!

First time bumida ni Piolo sa isang horror movie, kaya nabanggit daw ni Papa P na, “Ah, ganito pala iyong horror movie.”

Ipinahayag pa ng producer nito na masaya siyang katrabaho ang aktor at ibang Piolo ang mapapanood sa Mallari.

Aniya, “Ako I’m very happy sa naging working relationship namin on the set. And sobra-sobrang saya ng grupo namin sa performance ni Piolo. So, talagang expect na manggugulat dito si Piolo.”

“Piolo became challenged, na-challenge siya dahil talagang sabi niya… everyone is doing their job, so, natuwa ako na talagang, he is so very particular on how he delivers iyong acting niya, talagang ibang klase.

“Alam namin na mahihirap ang mga ipinagawa namin sa kanya and he is very willing to do, lahat. They really have to expect a different Piolo Pascual, with this one,” mahabang pahayag pa ni Sir Bryan.

Leave a comment