
Hitmaker gears up for upcoming concert
Star-studded ang gaganaping Rox Santos 15th Anniversary Concert sa Music Museum sa Nov. 10, 8pm. Ang naturang event ay pangungunahan ng nag-iisang Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Kabilang pa sa special guest sa naturang concert sina Erik Santos, Kyla, Juris, Maymay Entrata, Kakai Bautista, Sheyrn Regis, Agsunta, Alexa Ilacad, Bini, Klarisse, Jeremy G, 1621BC, Anji Salvacion, Annrain, Bryan Chong, Cesca, Drei Sugay, KD Estrada, Kice, Khimo, Lyka Estrella, Trisha Denise, at ang surprise special guest na sa mismong araw ng concert ire-reveal.

Si Rox ang Label Head ng StarPop under ABS-CBN Music at kilalang producer at composer nina Enchong Dee, Kim Chiu, Daniel Padilla‘s album DJP, Maymay Entrata’s album, MPowered, at Belle Mariano’s Daylight album.
Siya ay isang certified hitmaker na nakalikha na ng higit sa 150 songs.

Si Rox ang sumulat ng mga hit song ni Vice Ganda na Wag Kang Pabebe, Boom Panes, Push Mo Iyan Te, Boom Karakaraka, Rampa, at Corona Ba-Bye Na.
Ang ilan pa sa hit songs ni Rox ang Amakabogera’ ni Maymay Entrata, Jaya’s Hanggang Dito Na Lang, Michael Pangilinan’s Hanggang Kailan, Sana Ngayon Lang Ang Kahapon ni Angeline Quinto, mga theme song ng mga teleserye, pelikula, at marami pang iba.
Ipinahayag ni Rox na masaya siya sa career milestone na ito at labis siyang nagpapasalamat sa lahat ng naging parte ng kanyang karera, lalo na ang ABS CBN.
Aniya, “Sobra akong thankful and grateful sa mga taong sumusuporta sa akin, na along the way ay nandoon sila. Kasi, hindi lahat nabibigyan ng ganitong milestone, hindi lahat nabibigyan ng ganitong opportunity, so for me, sobra siyang blessing.
“That’s why I’m super thankful sa ABS CBN family ko na sila talaga iyong sumuporta sa akin at nagbigay ng opportunity na marating ko itong milestone ng career ko,” pakli pa ni Rox.
Paano niya ide-describe ang mangyayari sa Nov. 10?
Esplika ni Rox, “Sa November 10 kasi, siyempre kakantahin doon iyong mga songs doon na naging hit, tapos iyong naging memorable at remarkable.
“And sobra akong nae-excite sa concert na ito dahil ang daming artists na pumayag. Kumbaga, pumayag sila na mag-celebrate ng anniversary concert ko.”
Pagpapatuloy na kuwento pa niya, “Kasi noong una ay medyo kinakabahan ako, eh. Nakakatawa nga, kasi even mayroon na akong personal relationships sa kanila, lagi ko silang nakakasama sa studio and all, kinakabahan pa rin ako na ma-decline.
“Kasi siyempre hindi ba, iyong preparations and all, iyong time and effort, schedules and all. Kaya ang ginawa ko, personal pa rin ang approach ko sa kanila, sinulatan ko sila.
“So, sobra akong happy and grateful, kasi halos lahat sila nag-yes agad, hindi ako nahirapan. So isa iyon sa nilu-look forward ko kung paano nila bibigyan ng buhay ulit iyong mga nilikha kong awitin.”
Nagpasalamat din siya kay Vice Ganda.

Wika ni Rox, “Sobra akong thanful kay Meme Vice, kasi ang unang-una ko kasing iniisip, baka mag-decline si Meme Vice, kasi sobra siyang busy, hindi ba? Siyempre, Vice Ganda iyan, eh.
“Ipinag-pray ko lang, sabi ko, mag ‘oo o hindi’ okay lang, I understand. Pero nang nagpadala ako ng letter at nag-message ako sa kanya, sabi ko, ‘Meme Vice may letter ako sa iyo’, agad-agad siyang nag-reply. Sabi niya, ‘Rox nabasa ko na, pupunta ako dyan sa concert mo.’ Kaya Thank you Meme Vice,” nakangiting wika pa ni Rox.