May 22, 2025
Julia Montes, the next Bea Alonzo
Latest Articles

Julia Montes, the next Bea Alonzo

Jan 19, 2015

arseni@liao

by Arsenio “Archie” Liao

Julia and Bea Kapapanalo lang niya bilang best actress sa 2014 Gawad Tanglaw para sa kanyang makabagbag-damdaming pagganap sa multi-awarded Kapamilya teleserye na “Ikaw Lamang”, yet naihahanay na agad ang kanyang pangalan bilang the “next Bea Alonzo” dahil sa kanyang angking galing sa pag-arte.

Ano ang pakiramdam na ikaw ay binabansagang “the next Bea Alonzo”?

“Nakaka-flatter. Gusto kong tumalon sa tuwa. Super blessed ako na nasasabihan ng ganoong papuri. Honored ako dahil si Ate Bea ang isa sa mga aktres na talagang hinahangaan ko. Nakaka-inspire rin para magsikap ako na pagbutihin pa ang craft ko”, sey ni Julia.

Mapangahas na Julia ang mapapanood rito sa “Halik sa Hangin”. Ito ba ang first adult role mo?

“Nakalabas na ako sa mga teleserye na asawa, nanay pero ibang level ang ginawa ko rito. Iyong rollercoaster ng emotions na kailangan sa role ni Mia na ginagampanan ko, ibang-iba talaga,” lahad niya.

Hindi ka ba natatakot na after this ay ma-type cast ka sa mga mature roles considering na 19 years old ka pa lang?

HalikSaHangin copy“Mas advantage pa nga siya sa akin. Mas challenging sa akin ang mga mature roles kasi in real life naman, mature na rin naman akong mag-isip”.

Ano’ng masasabi mo na maraming kilalang cagers na nagkaka-crush at nase-seksihan sa iyo?

“Nakakataba ng puso, if somebody admires you. Malaking compliment siya na siyempre, itine-treasure ko”, malamang pahayag ni Julia.

How would you describe iyong mga love scenes mo with your leading men?

“More of seduction iyong kay Gerald. Si JC naman, obsessive,” pagwawakas ni Julia.

Role ng isang inosenteng babae ang ginagampanan ni Julia sa “Halik sa Hangin” na nabago ang buhay nang makilala ang dalawang lalakeng magpapabago ng kanyang paniniwala sa buhay at pag-ibig na binibigyang buhay nina Gerald Anderson at JC de Vera.

Tampok rin sina Ina Raymundo at Edu Manzano, ang “Halik sa Hangin” ang pinakabagong handog ng Star Cinema mula sa kuwento ni Enrico Santos at sa direksyon ni Emmanuel Palo na mapapanood na sa buong bansa simula sa Enero 28.

Follow me…

social networkingarsenio.liao
@artzy02

Leave a comment

Leave a Reply