May 22, 2025
Jhassy Busran shows versatility in ‘Unspoken Letters’
Latest Articles

Jhassy Busran shows versatility in ‘Unspoken Letters’

Dec 4, 2023

Ang talented young actress na si Jhassy Busran ang pangunahing bida sa pelikulang Unspoken Letters. Kasama rin sa nasabing pelikula si Gladys Reyes.

Mayroong eksena sa movie na sinampal ni Gladys si Jhassy.

“Yung eksena po namin na sinampal ako ni Miss Gladys, ang isa sa pinaka-memorable scene ko sa Unspoken Letters. Kahit namanhid po ‘yung pisngi ko dahil sa sampal niya, masaya po ako, at nangibabaw ‘yung proud ako sa sarili ko, na nasampal ako ni Miss Gladys,” sabi ni Jhassy tungkol sa pagkakasampal sa kanya ni Gladys sa kanilang pelikula.

“Nu’ng una po na nabasa ko ‘yung script na may sampal (na eksena), hindi ko pa alam kung sino ‘yung gaganap po na sasampal sa akin. Sabi sa akin, si ate Gladys. Hindi na po ako nagulat kasi kilala naman si ate Gladys sa mga ganu’ng eksena, na laging nananampal,” natatawang sabi pa ni Jhassy.

“Gaya nga po ng sabi ko, proud po ako na nasampal ako sa movie namin ni ate Gladys. Kasi alam ko naman po, na maraming nangangarap na masampal niya (sa mga eksena).”

Anong mensahe ang gusto niyang iparating sa mga manonood ng kanilang pelikula?

“Alam naman po natin na itong film po namin, si Felipa po, which is my role, na isang special child, gusto naming iparating sa mga manonood, especially sa mga taong katulad po ni Felipa, na hindi porket ganoon ka, hindi ka na maa-pareciate ng family mo, o ng ibang tao.

“Gusto po naming iparating sa kanila na hindi kabawasan ng pagkatao mo ‘yung may ganoong condition ka. Kaya kang mahalin ng ibang tao. Kaya ka nilang ma-appreciate kung ano ka man. ‘Yun po!”

Showing na sa December 13 ang Unspoken Letters.

Leave a comment