
Asked about returning on daring roles, Ina says, “It has not crossed my mind yet but, by choice, I know better now”
by Arsenio “Archie” Liao
Balik pelikula ang award-winning sexy actress na si Ina Raymundo sa pelikulang “Halik sa Hangin” kung saan ginagampanan niya ang role ni Teresa, ang ina ni Julia Montes.
Marami na ang naghintay sa comeback mo. Bakit natagalan ang pagbabalik-pelikula mo?
“Naging priority ko kasi ang family ko. Everytime na nagpaplano ako, nabubuntis kasi ako kaya nauudlot siya. Pero, itong comeback ko, pinag-usapan namin ng husband ko na hanggang five kids lang kami… and the good thing is supportive naman siya sa showbiz career ko”, pagtatapat ni Ina.
Hanggang ngayon, super sexy ka pa rin. Hindi ka ba nagkaroon ng hesitation na gumanap sa mga mother roles?
“Hindi naman, kasi in real life, mother na ako, at saka pangatlo ko na itong project na gaganap ako ng mother roles. Sa TV, naging mother na rin ako sa mga teen stars at nakaka-relate ako sa mga ganitong roles”, saad ni Ina.
Ano ang experience mo sa pakikipagtrabaho kay Julia Montes?
“Super love ko si Julia. Tuwang-tuwa ako sa kanya. Napakabait niya. Napakagaling. What I admire about her is her simplicity siguro dahil ako man ay naniniwalang “Simplicity is beauty”, ayon kay Ina.
Nakilala ka sa mga sexy roles noon sa “Tuhog”, “Madame X” at “Burlesk Queen Ngayon”, open ka pa ba sa pagtanggap ng mga sexy roles o pagpo-pose ng sexy sa mga men’s magazines like FHM?
“It has not crossed my mind yet pero, by choice, dahil born again Christian na ako at isang parent, I know better now”, makahulugang pahayag ni Ina.
Ano ang sikreto mo at name-maintain mo ang radiant beauty mo despite the years?
“I do zumba at siyempre iyong diet ko and healthy lifestyle at happy ako sa marriage ko”, paliwanag niya.
Ayon pa kay Ina, dream niyang makagawa ng isang movie about a May-December love affair kung saan lulutang ang kanyang galing hindi lang bilang isang “hot momma” kundi isang ultimate actress.
Kasama ni Ina ang mga pinakamagagaling na actor ng kanilang henerasyon na sina Julia Montes, Gerald Anderson at JC de Vera sa pelikulang “Halik sa Hangin”, isang kakaibang kuwento ng pag-ibig na sesentro sa ibang level ng seduction, passion at obsession na handog ng Star Cinema mula sa kuwento ni Enrico Santos at sa direksyon ni Emmanuel Palo na mapapanood na simula sa Enero 28 sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa.
Follow me…