
Rhea Tan opens A-List Avenue in Vigan; Rayver renews Beautéderm contract
Nag-renew na ng kontrata si Rayver Cruz sa Beautéderm. Ito ang makikita sa FB post ng Beautéderm founder at president na si Ms. Rhea Tan.
“Happy renewal anak, happy anniversary, I love you.”
Sagot naman ni Rayver, “Thank you mommy Rea, I love you so much po, thank you for everything.
“Beautéderm baby forever, dahil nakakabata talaga ang Beautéderm eh, tignan mo, para kaming 18 years old,” nakatawang sambit pa ng Kapuso actor.
Pinuri naman ni Ms. Rhea ang pagiging mabait at masipag ni Rayver.
“Mabait talaga si Rayver. Nag-eefort siya talaga… nagvi-video talaga siya (para i-promote ang Beautéderm) at ginagamit niya talaga.
“And basta’t puwede siya, go rin talaga si Rayver (sa mga event ng Beautéderm),” masayang sambit pa ni Ms. Rhea.
Anyway, sa naturang pagbisita rin ni Rayver sa Beautéderm Headquarters sa Angeles City, Pampanga ay naaliw nang husto ang aktor dahil sumabak siya sa Beautéderm 1-minute Hakot Challenge. Dito’y kay Rayver na ang lahat ng Beautéderm products na mahahakot niya sa loob ng sixty seconds.
Makikita rito na habang humahakot ay sinabi ni Rayver na Blanc Cleansing Pads-make up Remover Serum ang paborito niya. Makikita rin sa video na binalikan pa ito ni Rayver, na humakot pang muli nito ang aktor bago naubos ang kanyang one minute.

Paborito ni Rayver ang Blanc Pads dahil effective ito at nagagamit niya sa pagtatanggal ng makeup. Nakaka-fresh din ito ng mukha, in fact nawala ang pimples niya at mas kuminis ang face dahil sa produktong ito.
Marami rin siyang hinakot na Brawn Antiperspirant spray at iba pang produkto.
Matagumpay din ang grand opening ng kanyang A-List Avenue sa hometown niya sa Vigan, Ilocos Sur.
Nakisaya sa naturang okasyon ang Beautéderm ambassadors na sina Jane Oineza, Ria Atayde, EA Guzman, Kakai Bautista, DJ DhaiHo, at Kimson Tan.
Ang A-List Avenue ay ang luxury store ni Ms. Rhea na makakabili ng mga high-end fashion brands tulad ng bags, wallets, jackets at marami pang iba. Bahagi ito ng kanyang Beautéderm Group of Companies.
Naging special guest at nakasama sa ribbon cutting si Ilocos Sur Governor Jerry Singson sa A-List Avenue Vigan Branch Opening na ginanap noong January 24 sa Beautéderm Store Vigan sa UNP Town Center, Tamag, Vigan City.
Special guest din sa opening ang mga kapamilya, kamag-anak, at kaibigan ni Ms. Rhea na pinangunahan ng kanyang mahal na ina na si Ms. Pacita Anicoche, ng kanyang kapatid na si Bambie, at ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya.
Makikita rin sa IG post ni Ms. Rhea na pinasalamatan nito si Gov. Singson, ang mga kapamilya at kaibigan ni Ms. Rhea at ang lahat ng sumuporta sa pagbubukas ng A-List Avenue Vigan.