May 22, 2025
Rhian Ramos stars in new Joel Lamangan movie
Latest Articles

Rhian Ramos stars in new Joel Lamangan movie

Apr 10, 2024

“Parang ano, parang puwede ko na siyang i-check off my bucket list, parang ganoon,” ito ang sinabi ni Rhian Ramos dahil finally ay makakatrabaho na rin niya ang award-winning director na si Joel Lamangan sa isang pelikula.

Wika pa ng aktres, “Of course, I’m nervous, I don’t want to disappoint anyone… but I also believe na kaya rin po siya naging ganito ka-respected sa industry natin, it’s because he has an ability also to lead.

“So I believe na on one hand, very nervous, I want to perform well. But on the other hand, I know that he and everyone around me will be helping me.”

Tatampukan nina Rhian, Tom Rodriguez, at JC de Vera ang pelikulang pinamagatang Huwag Mo ‘Kong Iwan.

Sa pelikula ay bibigyang buhay ni Rhian ang papel na isang babaeng naiipit sa dalawang lalaki, isang kababata at isang abogadong pinagkakautangan niya ng loob.

Ang Huwag Mo ‘Kong Iwan ay hatid ng Bentria Productions na pagmamay-ari ni Engr. Benjamin Austria. Ito ang kasunod na movie project ng kanyang film outfit after ng internationally acclaimed film na Broken Blooms, starring Kapuso actor Jeric Gonzales.

Nabanggit naman ni Direk Joel na pinili talaga nila si Rhian para sa kanilang pelikula dahil alam niyang isa itong mahusay na aktres.

Aniya, “Oo, dahil namimili kami ng totoong karapat-dapat doon sa role at napili namin si Rhian. Kasi mahirap iyong role, kaya kailangan mo talaga ng isang aktres para roon.

“Mahirap mamili ng artista, lalo na iyong lead. Kaya naging masyado kaming mapili hanggang sa napunta kami kay Rhian, dahil napanood ko na si Rhian sa mga ginawa niya at hindi na ako bago kay Rhian. Bagamat ito ang kauna-unahang pelikula ko with Rhian, I’ve seen her works at mahusay siyang artista at gusto ko talaga siyang makasama.”

May pressure ba sa part ni Rhian sa sinabing ito ni Direk Joel?

Tumawa muna ang aktres bago sumagot, “Well, nakaka-excite… but it’s a good thing. Sa lahat naman ng ginagawa ko, it’s good kapag medyo ninenerbyos ka. I find it to be a good sign.

“I’m so grateful to be part of this project and to have this role and to have this opportunity to do work with everyone here sa table, especially Direk Joel.” 

Pagpapatuloy pa ni Rhian, “Imagine sa 18 years ko rito sa industry, hindi kami nagtagpo, hindi kami nakagawa ng pelikula o show man lang. So, I was really surprised when I got the phone call from my manager na nakakuha kami ng inquiry, nagulat talaga ako, hindi ko ine-expect.

“Tapos, sobrang madaling-madali ako sa pagbasa ng script, I wanted to know na kaagad everything about the movie, about the role. So, I can just say I’m very excited and I’m going to do my best.”

Tampok din sa pelikula sina Rita Avila, Pinky Amador, Emilio Garcia, Jim Pebanco, Simon Ibarra, Lloyd Samartino, Tanya Gomez, Nella Dizon, Felixia Crysten, Ricci Jereza-Chan, Marcus Madrigal, Caramel, Rave Obado, at iba pa.

Leave a comment