
’Malditas in Maldives’ receives rave reviews
Si Direk Njel de Mesa ang tanging direktor na kilala sa pagdaraos ng mga test screenings para sa kanyang mga pelikula.
Hinahayaan niya talagang maimpluwensiyahan siya ng mga kritiko, mga miyembro ng entertainment Press, mga kasama niya sa industriya ng pelikula na pagandahin pa ang kanyang mga pelikula.
Iyan ay kahit na nanalo na nga ng mga awards ang kanyang mga obra sa Japan.
“Naniniwala ako sa isang Japanese Philosophy na Wabi-Sabi. Nothing is ever finished or perfect. So ako ang hinahabol ko hindi ang perfection kundi ang excellence,” sabi ng batikang direktor na makailang ulit ding nanalo ng Palanca Awards bilang manunulat.
“Kaya nagpapa-test screenings ako kasi we want to polish the film to the best possible shape it can be bago pa namin ipakita sa mas maraming mga tao.”
Humakot na nang mga parangal ang pelikulang Malditas In Maldives sa Jinseo Arigato International Film Festival. Wagi si Arci Muñoz bilang Best International Film Actress, si Kiray bilang Most Versatile Comedienne, at si Direk Njel naman ang tinanghal na Best International Film Director.
Kaya naman kaliwa’t kanan ang offer sa kanila pagkabalik sa Manila.
Pero minabuti muna ni Direk Njel na magdaos ng test screening para sa ikagaganda ng kanyang pelikula.
“Marami akong natutuhan sa first screening namin sa Japan. Napansin ko kung ano ang mga jokes na bumebenta at hindi bumibenta. Kung saan lumalaylay at kung saan sila pumapalakpak,” ani Direk Njel.
Balita namin ay ipadadala ang materyal sa Netflix, matapos ito i-polish ng buong post production team ng NDMstudios. Maraming magandang feedback na ibinahagi sa amin si Direk Njel mula sa kanyang test screening.
Heto ang ilang quotable quotes mula sa mga kritiko at iba pang artistang nakapanuod:
“A unique and unexpected story!” – Butch Ibanez, NCCA Cinema Chief, Solar Films head
“Ang husay ni Arci Muñoz umarte sa pelikulang ito! Brilliant camera work and cinematography!” – Alwyn Ignacio, film critic & columnist
“A beautiful film! Ang galing ng mga artista!” – Isay Alvarez, Film-TV-Theater actress
“Brilliant! Layers on top of layers. This film will sustain repeated viewings!” – Maganda Ba Movie, Film Critic
“M. Night Shyamalan ang level! Grabe!” – Robert Seña, Film-TV-Theater actor
Ito naman ang mga ilang papuri mula sa Entertainment Press:

“Walang sandali na na-bore ako. Ang husay ng flow ng pelikula!” – Bobby Requintina, editor & columnist
“Ang husay ni Kiray sa pelikula! Sobrang iniyakan ko siya.” – Pilar Mateo
“Pinakita ni Arci Muñoz ang kanyang acting range rito. Patatawanin ka niya, pagkatapos ay paiiyakin!” – Nonie Nicasio
“Walang sandali na na-bore ako. Mula simula hanggang wakas, nakakaaliw! Paborito ko rito si Arci! Nadala talaga ako sa acting niya!” – Mildred Bacud
“Sumakit tiyan ko sa katatawa! Siguradong papatok ito!” – Bernard Santos
“Hindi ito pangkaraniwang pelikula, glossy ang presentation pero avant-garde ang mensahe!” – Archie Liao
Kaya kapag ipinalabas ang pelikulang Malditas In Maldives na tinatampukan nina Arci Muñoz, Kiray Celis, at Janelle Tee, siguruhing mapapanood ito dahil garantisadong sulit ang oras at bayad dito sa obra ni Direk Njel.