
’Kiskisan’ director reveals how wild the film is
Tiniyak ni Direk Bobby Bonifacio Jr. na ang pelikula nilang Kiskisan ay kargado sa mga eksenang pampagana at pampa-init na nakasanayan na ng suking viewers ng Vivamax.
Aniya, “Non-stop ang Kiskisan, non-stop ang mapapanood dito sa Kiskisan, busog po ang viewers, wild po siya.”
Isa raw sa higlight ng pelikula ang foursome na ginawa ng mga tampok dito na sina Robb Guinto, Apple Dy, Skye Gonzaga, at Juan Paulo Calma.
Nabanggit din niya na maraming wild na eksena ang aabangan sa kanilang pelikula.
Wika ni Direk Bobby, “Iyong pelikula namin, it’s a wild weekend sa kiskisan. Tuwang-tuwa naman ako nang binabasa ko ang script nito, na-entertain kaming lahat.
“Parang kung ano-ano kasing kabaliwang ganap dito sa kuwentong ito. So, kaya nang ginawa namin ito, sabi ko, ‘Enjoy lang tayo, enjoyin lang natin ito.’
“And dahil sobrang game silang lahat, itong mga artista rito, iyon, naibigay nilang lahat ang one of the wildest performances of their lives,” nakangiting sambit ni Direk Bobby.
Nabanggit din niya, na hindi lang ang leading man dito na si Juan ang masuwerte, kundi ang mga lead actress ng pelikula.
“Masuwerte po si Juan (na nag-iisang leading man sa movie), pero masuwerte rin po sila (tatlong lead actress ng pelikula),” natatawang wika pa ni Direk Bobby patungkol sa mga eksena ni Juan na dapat abangan sa kanilang movie.
Ang ‘Kiskisan’ ay isang sexy-drama movie, ito ay kuwento ng dalawang magkapatid na lumaki sa bukid – sina Adele (Robb) at Bea (Apple) ay lumaki sa sakahan at kiskisan. Pinalaki sila ng konserbatibo at istrikto nilang tiyahin na si Luring.
Dahil may mga kanya–kanyang pangarap at ambisyon, magkakahiwalay sila ng landas, mananatili si Adele sa kanilang lugar at si Bea, na mas matapang sa kapatid niya, ay aalis at magpupunta sa Maynila.
Muli silang magkikita matapos malaman na buntis si Adele at nakatakdang ikasal sa boyfriend niyang si Rener (Calma), na nagtatrabaho naman sa kiskisan bilang machine operator.
Mapapanood ang Kiskisan exclusively sa Vivamax ngayong September 27, 2024.