May 22, 2025
Jubilee Therese Acosta gears up for Miss Grand PH; Sam Verzosa ready to serve Manila
Latest Articles

Jubilee Therese Acosta gears up for Miss Grand PH; Sam Verzosa ready to serve Manila

Sep 27, 2024

Si Jubilee Therese Acosta ang pambato ng lungsod ng Maynila sa Miss Grand Philippines 2024 sa Linggo, September 29, sa Newport World Resorts Manila.

Si Jubilee ang reigning Miss Manila 2024 1st runner-up na ginanap naman nitong June 22.

Talent ng KreativDen Entertainment (ni Kate Valenzuela) isang doktora si Jubilee, isa siyang lisensiyadong psychometrician.

“So when you say licensed psychometrician it’s really more on HR [human resources] but what is hot in premed or in Psychology is three parts; it’s educational, it’s industrial and it’s clinical.

“So for me in my clinical portion I was exposed to people that has mental health issues as well and also of course I know that my friends and my family, hindi na po ako magbabanggit kung sino, but they have gone through so much.”

Rebelasyon pa ni Jubilee, “One of my relatives died of suicide, and my other relatives as well are really suffering from depression and anxiety.

“And with that I have been exposed to that area eversince that’s why I even got into Psychology in the first place.

“But then again what’s nice about Psychology, sa mga gustong maging Psychologist diyan is we have different branches.

“We can go to guidance counseling, we can go to clinical especially in the hospital, we can also teach pre-school kids.

“And actually back in premed I also taught, so I was a pre-school teacher for around eight months so I’m really close with kids.

”So Psych is really a diverse sector that’s why I like it as well,” paliwanag pa ni Jubilee. 

Samantala, gaganapin naman ang international pageant ng Miss Grand International 2024 sa Bangkok, Thailand sa October25.

***

Kung siya ang masusunod ay ayaw iugnay ni Sam Verzosa si Rhian Ramos sa kanyang pagtakbo bilang alkalde ng Maynila sa Mayo, 2025.

Kaya nga panay ang iwas ni Sam na sumagot ng tanong tungkol sa wedding plans nila ni Rhian.

Pero sa kakukulit namin, napilitan siyang magbigay ng pahayag.

Lahad ni Sam, “Ayokong ginagamit yan para lang sa mga ganitong panahon kasi baka sabihin.

“Ganyan po kasi ang nakasanayan ng mga tao, ‘Gagamitin yan.’

“Hindi natin maikakaila, artista po siya. Nakausap ko siya, sabi ko, ‘Hinding-hindi ko gagawin yung ginagawa ng iba.’

“Ayoko na pong magsalita. Parang self-serving naman para sa akin na ginagamit natin. Sana huwag muna nating pag-usapan yan.

“Kapag natapos na ang lahat ng ito, basta kasama ko po siya sa lahat ng magagandang hangarin natin na makatulong.”

Parte ng eleksyon ang siraan at laglagan, at handa si Sam.

“Marami na nga po ang naninira pero, sabi nga, you cannot put a good man down. Kapag may ginagawa kang mabuti, ano pa ang sasabihin nila?

“Basta ako, wala akong ibang gagawin kundi puro pagtulong at kabutihan. Kung gusto nila pigilan, hindi ho tayo magpapapigil.

“Alam ninyo ho, yung ugali ko, kahit noong bata ako, dina-down na ako buong buhay ko. 

“Dun ko nakukuha yung motivation. Dun ako lalong nanggigil na magsumikap.

“Kaya lalo nila kaming ginigipit, lalo nila kaming sinisiraan, salamat po sa inyo, lalo akong nanggigigil na ibigay ang lahat ng meron ako.

“Marami yon kaya masasawa kayo sa kasisira sa akin dahil lalo ko kayong bibigyan ng dahilan para sumama sa movement na ito.”

“Hindi ko ito ginagawa para mamulitika. Ginagawa ko ito para maging inspirasyon at para gayahin ng iba.”

Kahit abala sa Dear Sam TV program niya sa GMA at bilang Tutok To Win Partylist representative, naglalaan ng oras si Sam na tumulong sa kanyang kapwa. 

Tulad na lamang ng kanyang Ayudang Hindi Trapo event kamakailan sa Barangay 128 sa Tondo, Maynila kung saan bumaha ng bigas, Spam, Jollibee meals, mineral water, jacket (from Willie Revillame) at salapi para sa mga senior citizens sa naturang lugar.

At sa dami ng dumating, sigurado kami na kahit hindi mga senior ay naabutan ng ayuda ni Sam, kabilang ang mga kabataan at mga batang paslit.

Kaya nagmistulang Pasko ang buwan ng Setyembre dahil kay Santa Sam!

Leave a comment