May 23, 2025
Exclusive: Tell All interview with Onemig Bondoc
Latest Articles

Exclusive: Tell All interview with Onemig Bondoc

Jan 20, 2015

mildre@bacud
by Mildred A. Bacud

Eleven years ago na mula ng magdesisyon si Onemig Bondoc na iwan na ang showbiz. Taong 2007 ng ipanganak ang panganay niya na si Armelle at December 2009 ay nagdesisyon siyang pakasalan ang French-Filipina girlfriend na ina ng mga anak niya na si Valerie Bariou. Dumating naman sa buhay nila ang bunsong anak na si Anton 2014.

Inakala ng marami na masaya na si Onemig sa pribado niyang buhay kaya kahit may mga offers para bumalik siya sa showbiz ay tinatanggihan niya. Hanggang sa last week ay marami ang nagulat sa pagsampa niya ng sole custody para sa mga anak.

Onemig1Sa kanyang live guesting sa Showbiz Umlimited hosted by Rommel Placente and yours truly sa PSRtv.ph (ang Internet channel ng Philippine Showbiz Republic) ay ekslusibong dinetalye ng dating aktor ang kasong sinampa niya at kung paanong umabot siya sa puntong ito.

Kumusta na si Uno?

“Well ngayon busy ako sa other business and syempre nagaalaga ako ng mga anak ko and I just got separated from my wife.

“Well it’s really sad, hindi lang naman ako ang nahiwalay sa asawa pero tao lang naman ako na napupuno din.”

Bakit umabot siya sa puntong nag-file na siya ng sole custody?

“Alam nyo naman na before hindi naman talaga ako mahilig magsalita, after kong magsalita ang dami kong na-receive na mga negative comments pero I don’t care about it because they do not know the reason, di naman nila alam e, yung mga ibang tao makapag-comment lang pero di naman nila alam ang totoong nangyari.

“Tapos sinasabi nila kiss and tell ako. You know what, I’m doing this it’s because I just want to protect my kids dahil mahal ko ang mga anak ko.

Dati raw ay okey lamang kay Onemig na siraan siya pero iba na raw ngayon.

“Iba pala kapag anak mo. Iba pala kapag nakikita mo ang anak mo na nahihirapan. Kahit ano gagawin mo. Yung mga hindi mo kayang gawin, mare-realize mo na kaya mo palang gawin alang-alang sa mga anak mo.

“Dito kasi alam mo, ang umaandar na dito ay father’s instinct kumbaga you will do everything just to protect your child. Kahit na nanay pa ‘yan o kung sino pang tao kung may ginagawang hindi maganda sa anak mo, gagawin mo ‘yan as a father, gagawin mo lahat para proteksyonan sila.

“Wala ho akong pakialam kung pangit ang sinasabi sa akin ng publiko. Kiss and tell daw ako, ganyan, ganyan, No! I’m not. Alam nyo yan Ate Milds, Kuya Rommel alam nyo ‘yan [na] di ako ganyan. It’s just that I’m just here to protect my kids.

Sa mga ganitong sitwasyon na naghihiwalay ang mga parents kadalasan ang simpatya ng publiko ay sa nanay. Paano niya ipaiintindi na siya ang may pinaglalaban dito?

“Alam nyo kung magsasalita lang ako, marami po talaga akong masasabi pero ayoko na lang dahil hindi naman ako pinalaki ng magulang ko para manira ng tao and still Valerie will always still be the mother of my kids. Kahit anong mangyari siya pa rin. It’s just that ginawa ko lang ito dahil nakita ko nahihirapan na ang aking mga anak at marami na akong naririnig na hindi maganda about my family so I just had to stop this.

Sa interview ni Onemig sa TV at sinabi niya ang sinabi ng anak na si Armelle na ayaw nitong sumama sa ina dahil wala itong pera. Dito daw binatikos ang dating aktor.

“Ang sakin lang dun, si Armelle kasi matalinong bata. I mean for her age bakit ganun ang thinking ng anak ko?

Tinanggi pa niya ang isyu ng pagbri-brain wash diumano niya sa mga anak dahil weekdays ay nakay Valerie naman ang mga anak samantalang weekend lamang na sa kanya.

“Before this happened, pinapili nya yung anak ko sa harapan namin. Nangyari pa sa bahay ng kapatid kong si Joanne. Sinabi ko sigurado ka bang gusto mong papiliin ang anak natin and she said “Yes!”. Pinapili niya. Sabi niya ‘Where do you want to stay with Papa or?’, ‘With Papa.’

“Wow, you brainwashed the kid. Iyon ang sabi niya. Sabi ko, I will never brainwash our kid. I mean. I never did. Sabi niya ‘If you go with your Papa you won’t see Anton anymore.”

Ikinagulat na lamang daw ni Onemig ang sumunod na eksena kung saan pag-uwi niya ng condo ay tumambad na ang kanyang mga gamit sa labas nito at pinapalayas na siya sa sariling tahanan.

“Hindi na ako pinapasok sa condo ko, sa sarili kong unit. Pinalayas na ako, kinulong pa ang anak ko sa sarili kong property, tumawag pa ho siya ng pulis.

“Tapos the next day pumunta ako do’n para makipag-usap pero may kundisyon na pumayag akong mag-transfer ang anak ko sa French school sa Paranaque.

“So kahit labag sa kalooban ko, pumayag na ako. May agreement din kaming pinapapirmahan ng lawyer kay Valerie pero hanggang ngayon hindi niya pinipirmahan. Kaya wala akong mapanghawakan kung ayaw pakita sa akin ang bata so para akong hawak-hawak sa leeg. Ang gusto ni Valerie ay hawakan ako na parang tuta at ang mga magulang ko. “

Naitago lamang ni Onemig ang problema nila ni Valerie pero 2013 pa pala ay hindi na maganda ang kanilang relasyon at ang huli pa nga ang unang nag-file ng annulment. Hindi na ba maaayos ang kanilang relasyon. Wala na bang pagmamahal?

“Sa ginawa nya, nagpi-fade na po talaga yung love. I mean, alam niyo sa totoo lang I never wanted an annulment. Hindi ko po naisip ang annulment na iyon because I was waiting for her na sana naman siya naman ang magbaba ng pride, mag-admit ng mga fault niya. I was just waiting.

“And then one day may dumating sa bahay, a letter. Pag bukas ko ‘yun nga annulment papers. Talagang sinabi ko sa daddy nya na your daughter would give up the kids but not her pride. Minamadali ho niya dahil yung unang hearing naming, I wasn’t informed . Tumawag yung dad [niya] tinatanong kung pupunta ba ako dahil alam ko naman na kaya ni Val na i-manipulate yung dad nya. Di ko alam kung ano ang reason bakit minamadali nya ang annulment.

Sa gitna naman ng pinagdadaanan may mga isyu pang lumabas na kaya daw nag-iingay ang dating aktor ay dahil sa gusto nitong makabalik sa showbiz. Bagay nang tanungin sa kanya ay napailing na lamang ito.

“Sa ngayon wala naman talaga akong planong bumalik, pero hindi ko naman sinasara pa ang pintuan dahil kahit papano marami akong nakilala showbiz. It’s just that, this is not the right [time] to go back and hopefully I mean, once artista will always be an artista, so ‘di ba? I mean, nakaka-miss din ‘di ba?

Hindi na siya babalik?

“Gusto ko pa rin bumalik pero siguro kapag wala na ako problem yung tipong nakakatawa na ako. As of now may battle pa e na kailangan kong gawin. Wala akong balak pero I’m just saying. pero If I do go back dahil mahal ko ang showbiz pero hindi ko gagamitin ang sitwasyon ko [ngayon] para bumalik or something. No, no I’m not like that.

Naging emosyonal na si Onemig sa mga sumunod na kasagutan niya.

“Ate Milds may gusto lang ako sabihn. Alam niyo sa buong buhay ko, I lived a good life. Hindi ako naka-feel ng hirap or something. It was always there when I want it, like it.

“Life has been so easier for me. Maybe sa buong buhay ko, ‘eto na yung pinakamahirap na nararanasan ko. Para sa akin wala na yung pera e, wala na yung yaman at kung ano man ang meron ang family ko. Ang akin lang talaga are my kids. Siguro ‘eto na yung turo sa akin ng Diyos to be strong because before kasi I can’t decide for myself and everything, pero wala, dahil madali lang lahat. Pero now, parang siguro may tinuturo sa akin ang Diyos. I should stand for what I believed in. Mawala na ang lahat sa akin, huwag lang ang mga anak ko.

Hindi na napigilan pa ni Onemig ang umiyak sa pagbibigay mensahe sa mga anak kung gaano niya ito kamahal.

Alam daw ni Onemig na mahaba-haba pang battle bago niya malagpasan ang pinagdadaanan ngayon. Sa ngayon ay nasa puder niya ang dalawang anak pero patuloy pa rin ang pakikipaglaban niyang manatili ang mga bata sa kanya.

PSR logo tv
(Note: Panuorin ang full-length interview with Onemig Bondoc sa www.psrtv.ph and click Showbiz Unlimited.)

social networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

 

DSC_1841
Onemig Bondoc with guest psychiatrist Dr. Rainier Umali and Showbiz Unlimited hosts Mildred Bacud and Rommel Placente
DSC_1844
Guests and hosts joined by the PSRTV.ph executive producers, Ace David and Marla David
Onemig collage_2
Photo ops with Onemig

Leave a comment

Leave a Reply