May 22, 2025
Stars celebrate VMX; ABS-CBN wins big at Gawad Pasado 2024
Latest Articles

Stars celebrate VMX; ABS-CBN wins big at Gawad Pasado 2024

Oct 19, 2024

Gaya ng inaasahan ay umulan na naman ng mga Vivamax sexy stars sa 12M subs pa-party na ginanap sa Viva cafe.

Bukod sa nagkaroon ng fashion shows ay ini-launch din ang 12 VMX sex sirens.

Una, nasa celebratory mode ang lahat sa VMX (Vivamax) dahil may bago itong naabot na milestone nang nakakuha ito ng 12 million subscribers.

Sa ilang taon na pagpo-produce ng Vivamax ng mga exciting at kontrobersyal na mga istorya, marami na itong nahikayat na mga audience. Tinupad din ng platform ang pangako nito na mag-release ng mga kaabang-abang na content linggo-linggo at patuloy na nag-entertain sa mahabang listahan nila ng mga nakakaintrigang original movies.

Kasabay nito ay nagkaroon na nga ang Vivamax ng bagong logo. Vivamax is now “VMX.”

FYI, ang VMX ay nagkaroon na ng theatrical release sa Unang Tikim, na pelikula ni Roman Perez Jr. at pinagbidahan nina Robb Guinto, Matt Francisco, at Angeli Khang.

Magkakaroon muli ito ng theatrical release mula naman sa direksyon ni McArthur C. Alejandre, ang Celestina: Burlesk Dancer.

Hindi lang sa pagiging streaming platform naging successful ang VMX dahil ang ilang VMX stars ay nakilala, nagkaroon ng following, at mapapanood na rin sa mainstream media.

Bukod dito ay magkakaroon din ng search sa next big VMX Star.

Isang kompetisyon para sa mga dalagang edad 18 hanggang 21, layunin ng talent search na ito na mahanap ang star in the making na handang sumabak sa mature roles at bumida sa maraming pelikula ng VMX.

*** 

ABS-CBN nagkamit ng parangal sa 2024 GAWAD PASADO AWARDS

Tumanggap ng 11 na parangal mula sa mga guro ang ABS-CBN para sa kanilang natatanging palabas, pelikula, at artista sa 2024 Gawad Pasado Awards na ginanap sa Philippine Christian University noong Oktubre 12 (Sabado). 

Big winner ang “Third World Romance” na nakakuha ng apat na parangal kabilang ang PinakaPASADOng Dulang Pampelikula, PinakaPASADOng Pelikula sa Pagkakapantay-pantay ng mga Kasarian, at PinakaPASADOng Pelikula. Tinanggap din ni Charlie Dizon ang tropeyo para sa PinkaPASADOng Aktres para sa kanyang kahanga-hangang pagganap sa pelikula. 

Sina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon, ang mga bida ng pelikulang “A Very Good Girl,” ay kapwa kinilala—si Kathryn ang nagwagi ng PinakaPASADOng Aktres award, habang si Dolly ay pinarangalan bilang PinakaPASADOng Katuwang na Aktres. 

Panalo rin ang nation’s girl group, BINI, na nagpasikat ng mga kantang “Pantropiko” at “Salamin, Salamin,” ng PinakaPASADOng Dangal ng Kabataan award.

Samantala, ang seryeng “Dirty Linen” ay nag-uwi rin ng tatlong parangal. Kabilang dito ang PinakaPASADOng Teleserye, PinakaPASADOng Aktres sa Telebisyon para kay Janine Gutierrez, at PinakaPASADOng Aktor sa Telebisyon para kay John Arcilla.  

Kinilala rin si Paulo Avelino bilang PinakaPASADOng Aktor sa Telebisyon para sa kanyang natatanging pagganap bilang Victor sa seryeng “Linlang,” na unang ipinalabas sa Prime Video. 

Leave a comment